Chapter 8. Sa Kinang o Sa Puti

2.7K 137 158
                                    

MALIWANAG!

Maliwanag pa sa kinang ng Pilak at Perlas, napagtulungan na naman si Arch.

Kawalan ng hustisya at kabaluktutan na naman ang umiral. Ang pinaghirapan nya ng buong taon ay naipagkait sa kanya. Valedictorian sana syang gagraduate ng elementarya pero dahil sa school politics at manipulation, demoted sya to Salutatorian o Second Honor.

Tila ba walang wakas na kasawian ang nararanasan nya sa murang edad.

Ngunit hindi sya papayag na magapi ng basta basta, in english: He won't be denied!

Naapi man sya ng Power Puff Girls a.k.a. Three Little Witches with a B in front o ang magkakaibigang Sheila, Marian at Daphne ay hindi sya magpapatalo basta basta.

Pinagtantuan nyang mabuti kung saan ba nagsimula ang lahat ng ito. Kung ano nga ba ang naging atraso nya kila Sheila. Kung may iba pa bang dahilan kung bakit sya na "Enemy Zoned" at kung bakit takot na takot ang mga tao sa kanila.

Matapos ang ilang oras ng pagmumuni muni at pag-alala sa mga nangyari, ay napagtantuan nya kung sino ang posibleng nagsimula nitong lahat...

Anim na araw bago ang Graduation

"It's Paolo, it's definitely Paolo."

Naalala nya ang kakaiba at mga mapanlinlang na kilos nito. Naalala nya ang pagseselos nito nung sumama sya sa 925 Mobsters. Naalala nya ang medyo may pagkapsychotic na ugali nito. Alam nyang ito ang naging mitsa ng lahat.

As much as possible, ayaw nyang ipaalam sa mga katropa nya ang nais nyang gawin. Dahil para sa kanya, sarili nyang laban ito. Ayaw nyang may makisawsaw.

Kaya nang mapagbigyan ng pagkakataong wala na ang mga kung sino sino sa paligid ay pasimpleng lumapit si Arch Kay Paolo.

"Yo. You happy now?" may konting gigil na sabi ni Arch. Nagtitimpi pa din sya dahil nasa school grounds sila.

"Bakit? Anong ginawa ko?" nakakalokong sagot nito habang nakangisi.

"Obviously you plotted this against me. Convincing Sheila to put me on the Enemy Zone. Instigated the whole scene yesterday."

"HAHAHA. You deserve it Archeebal! Bakit may magagawa ka? You're powerless here!" pang iinsulto ni Paolo kay Arch.

"can't touch you here. know. So better stay here all day. Coz I'd kick your ass outside school premises." maangas na pagkakasabi nya, sabay walk out.

Medyo kinabahan si Paolo sa narinig, hindi maipinta ang kanyang mukha pagkatapos ng pagbabanta ng bida.

Dismissal

Nag-uuwian na lahat ng mga schoolmates nila. Paglingon ni Arch sa pwesto ni Paolo ay nawala na lamang ito sa kanyang paningin.

Kaya dali dali din syang tumakbo pababa ng main entrance ng school upang matanaw kung saan napadpad si Paolo.

Napapansin nyang nagmamadali ito palabas ng school gate. Kaya tuloy naman sa habol ang bida.

Nang mapansin nyang sinusundan sya ni Arch ay biglang kumaripas ito ng takbo.

Siga Ng Universe (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon