Chapter 5. Bengbeng Era

3.6K 178 147
                                    

KUMAKARIPAS!

Kumakaripas ng paglalakad ang Siga in Training na si Arch. Ito ang una nyang pagsubok para mabansagang isang tunay na Siga.

"One hour. I can do this. I've trained my whole life for this." pagmumuni muni ng bida habang tuloy lamang sa kanyang paglalakbay.

Binaybay nya ang Kalye Perlas ng walang aberya. Ngunit nakakaramdam na sya ng kaba habang papalapit sa may Main Street.

Medyo sinusubukan nyang kumalma...

Napansin nyang nakatambay sa basketball court ang mga batang medyo pamilyar ang mukha.

Susubukan nyang baybayin ng kalmado ang Main Street ng biglang-

"Ayoko na! Tama na! HUHUHUHU" hagulgol ng isang batang lalake, halos kaedad nya ang pinagtitripan ng tatlong mukhang mga jeje dudes.

"Hahaha! Iyak pa! Gusto mo hubaran ka namin?!" pahalakhak na bigkas ng isang lalaking naka-elephant pants.

"TAENA TOL! Itapon na yung shorts ng iyakin na yan!" habang sinusubukan syang hubaran ng isang tukmol na mukhang jejelord.

"HAWAKAN NYO! Ihagis na din natin sa may puno yung brief nyan! Hahaha!" gatong nung isa pang bata.

Nagmamadaling tumakbo pasugod si Arch, pagpasok na pagpasok nya ng basktellball court ay biglang sumigaw sya ng-

"PICK SOMEONE YOUR OWN SIZE! YOU COWARDS!" pagbabanta nya habang papalapit sa tatlong kumag.

Biglang binitawan ng mga bata yung batang inaapi nila. Takbo naman ng mabilis ang bata habang umiiyak pa.

"May gatas ka pa sa labi! Gusto mo nang mag-angas dito sa Mineral Village?!" pagbabanta nung pinakamatangkad sa mga yagit. Sya yung naka elelephant pants. Halos kaedad nya.

Biglang pumorma ang Siga Trainee na para bang makikipag-upakan.

Naghanda din ang tatlong itlog. Dahan dahan nilang pinalibutan si Arch.

"Baka nagdadalawang isip kana! Pwede ka pa humingi ng tawad." pagbabanta nung mukhang jejelord.

"Nah. don't think soJustice is gonna be-"

"PAAAAK!"

Isang malakas na tadyak sa mukha ni Arch dun sa isang tukmol. Napatalsik ang sinipa nya. Gumulong gulong papasok sa basketball ring.

"NAKA NG PUTS! PUMAPALAG KA NA AH?!"

Sigaw nung jejelord habang humaribas ng isang straight na kanan sa bida.

"BOOOOM!!"

SAPUL SA MUKHA!

Sapul sa mukha yung naka elephant pants.

"ARAAAY! POTAMEN!"

pahiyaw nung nasapul sa mukha. Putok ang ilong at nagdudugo. Napahawak sya sa kanyang ilong habang binabalinguyngoy.

(Balinguyngoy- dumudugo ang ilong)

Biglang sinikmuraan naman ni Arch ang jejelord.

"PAAAAK!"  sinundan nya pa ng mala FPJ na pag combo nya dito at tompyang sa ulo.

Siga Ng Universe (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon