Chapter 18. "This is Why I'm Hot"

2.4K 90 70
                                    

KOLEHIYO!

Magsisimula na ang tunay na pag-aaral ni Archeebal Genesis. Ang kanyang kukuning kurso ang magdidikta sa kanyang kinabukasan. Kaya pinag-isipan nyang mabuti ang landas na tatahakin. Sinigurado nya na gusto nya ito at pursigido sya sa kanyang pag-aaralan.

Balak nyang kunin ang kursong Biochemistry. Sa University of Saint Thomas kasi pinaka-advanced at pulido ang turo dito. Plano nya din kasing mag-aral ng medisina kaya ito ang kinuha nyang Pre-med.

Pero ang totoong dahilan sa pagkuha ng kursong ito ay-

A. Maganda daw kasi itong panimula sa Medicine.

B. Paborito nya kasi ang Biology at Chemistry noong High School sya, kaya palagay nyang pinagsama ang dalawa.

C. Kakaiba kasi, feeling nya Cool ang course kapag kakaiba; kahit wala syang idea kung ano ang pag-aaralan dito.

Kaya Summer Vacation pa lang, matapos ng enrollment ay binisita na nya ang kanyang painstakingly breathtaking New Campus.

Ang University of Saint Thomas ay isang malaking Urbanized Jungle. Halos 4 na siglo na ang Institusyong ito. Noong 1927 tsaka lumipat ang campus mula sa orihinal na pwesto nito sa Walled City. Ang almost perfect square, 22 Hectares na campus ay napapagitnaan ng apat  na kalsada, ang Madrid Boulevard, Father Nobel, Locsin, at Bagumbayan Street. Matatagpuan ito sa Syudad ng Maasim na Pangsigang sa Maynila.

Sa bungad mula sa Loob ng Madrid Gate ay ang kapita-pitagang Centennial Archway to the Heavens. Nagmula pa ito sa orihinal na spot ng unibersidad. Mga bayani, kilalang tao at makapangyarihang mga nilalang ang naglabas-masok dito.

Kapag binaybay naman ang mahiwagang arko ay ang isang malawak na sementadong daanan na kung tawagin ay Ricial Y Mercado Lane. Sa paligid nito ay isang malawak na grass fields at punong puno ng kung ano anong punong bulaklakin. Mayroon ding mga wooden bench at stone bench sa hilera nito. Ang kahabaang ito ang hotspot ng mga magkasintahan dahil sa romantic set up nito. Kaya mas kilala ito sa bansag na Valentine Lane.

Sa kabilang dulo mula sa kahabaan ng arko ay ang ginintuang estatwa ng kung sinong pari. Napapalibutan ito ng apat na tansong leon na may hawak na kalasag. Nakatayo sya sa gitna nito habang may hawak na libro sa kaliwang kamay, at nakaturo ang kanang kamay pasilangan.

Pagkatapos nito ay isang malawak na walkway na nagngangalang Governor's Plaza. Sa harapan nito ang pinakamataas na gusali sa campus, ang Central Edifice.

Mayroon itong apat na palapag, at may Clock Tower na may Krus sa tuktok. Off limits ito sa mga ordinaryong tao. Sa gitna ng tore ay isang malaking orasan na tila may resemblance sa Big Ben.

Napapalibutan naman ang orasan ng Tatlong Silver plated na mga anghel. At sa bawat sulok ng ikaapat na palapag ay may mga estatwa ng mga sikat na pilosopo, manunulat, eskultorbayani at kung sino sino pa na inukit naman mula sa marmol.

Mayroon pang kung ano anong establisyimento sa loob nito. Buildings ng iba't ibang faculties at colleges. May pitong palapag na Library. Arboretum na punong puno ng kung ano anong uri ng halaman. Open GroundsSimbahan. Seminaryo. Student CenterOspital. Shopping Center. Parking Lot. MuseumAthletics Training Facility. You name it, they got it. Tinalo pa ang Mall of Asia.

Siga Ng Universe (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon