Chapter 48. Siga Mode On

1K 41 23
                                    

TANAW!

Natanaw na lamang ni Arch humarurot paalis ang itim na kotse, lulan ang dating kasintahan at ang bagong kaibigan.

Kahit sigurado sya sa kanyang sarili na ayaw na nyang makisawsaw pa sa gulo ay nakakaramdam pa din sya ng kaunting pag-aalala.

Nag-aalala ang bida kung ano ang kahihinatnan ng lahat ng ito. Nag-aalala kung ano ang mangyayari sa pagkakataong magtagumpay ang Stinger Corp. sa masamang balak nila. At higit sa lahat, nag-aalala sa kapakanan ng kanyang kaibigan.

Kaya't nagpatuloy lamang syang pumasok sa kanilang tahanan. Pinag-iisipan kung tama ba ang kanyang naging desisyon.

At pagpasok nya ng bahay ay sinalubong sya ng kanyang Papa, tila nag-aalala. "O? Arch? May problema ba?"

Kaswal lamang syang umiling, at dumiretso na lamang sa loob.

Maya maya pa'y bumalik na ang kanyang Lolo. Umupo sa kanyang harapan at nagsimulang magkwento. "Alam mo? Dapat susunod ako sa yapak ng Lolo Amorsolo mo."

Nagtataka si Arch. Sa talambuhay nya kasi'y ngayon pa lamang ito nabanggit ng kanyang Papa Nomeriano. "Lolo Amorsolo?"

"Sya ang Tatay ko. Bale, great grandfather mo." Kaswal na sagot nito.

"U.S. Marine yon. Ang alam ko sumabak pa sya sa gyera." Dagdag pa ng matanda.

"So, why didn't you follow his footsteps?" Lalong tumindi ang pagkabagabag ng kanyang isipan. Kung tutuusin pala'y dapat isang magiting na sundalo din ang kanyang Lolo Nomeriano.

Nangiti na lamang ito at diretsong sinabi sa bidang- "Natakot ako eh. Inisip ko baka hindi ko kayanin."

"Hindi ko pinagsisisihan na hindi ako tumuloy. At malamang ay hindi ko nakilala ang Mama Teresita mo kung nagsundalo ako. Kaya nga nagpapasalamat pa din ako sa naging desisyon ko. Sobrang saya ko na kayo ang pamilya ko." Pagpapatuloy ng kanyang litanya. Tahimik lamang na nakikinig ang bida.

"Pero araw araw, lagi akong may tanong sa sarili ko. Paano kaya kung sumali ako? Paano kaya kung sinubukan ko? Ano kaya ang mangyayari sa akin?" Dagdag pa nito.

"Kaya ikaw Archee... Kung may mga bagay kang gustong gawin, subukan mo. Ipaglaban mo. Kahit mahirap. Kahit nakakatakot. Kahit wala kang kasiguraduhan. Kesa buong buhay kang magtatanong sa sarili mo ng paano." Habilin ng kanyang Lolo bago ito tumayo sa kanyang kinauupuan at bumalik sa kanyang kwarto.

Nagulantang sya sa rebelasyon ng matanda. At lalong nabagabag ang kanyang isipan. Ang natupok na apoy ng katapangan ay unti unting nagkaroon ng kislap; dahan dahang nagliliyab.

*********

Lumipas ang ilang araw, buhay pa din ang muling nagliliyab nyang lakas ng loob upang lumaban. Ngunit hindi pa ito sapat upang sumabak muli sa ganitong klaseng gulo.

Ginugol nya ang mga araw sa mga bagay na walang kapararakan. Nag-ubos ng oras sa panonood ng mga nakakatuyong utak na mga pelikula at palabas sa telebisyon na bumabaha ng komersyalismo. Nagbabad sa computer, nagpaputok ng mata sa mga video games na bumabaha ng dugo, karahasan at ka-walanghiyaan.

Walang pinatunguhan ang bawat sandali. Bawat minuto'y nauwi sa pag-aaksaya ng oras. Bawat oras ay humantong sa pagsasayang na panahon.

Kaya't isang araw pag-uwi ng kanyang mga magulang galing sa trabaho.

Buo ang atensyon ni Arch sa paglalaro ng paborito nyang online game sa kanyang kwarto ng biglang-

*Knock Knock!*

Siga Ng Universe (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon