Chapter 52. The Secrets of the Sigaverse

951 39 42
                                    

ARCH!

Hiyaw ng matandang lalakeng nagsilbing mentor ng bida noong nag-aaral pa sya sa University of Saint Thomas, si Mr. Guinto.

Napalingon si Arch sa pamilyar na boses nito; hindi sya makapaniwalang makikita nyang muli ang isa sa mahahalagang tao ng kanyang buhay.

Dahan dahan syang tumayo at tinitigan kung namamalikmata lamang ba sya o ito'y katotohanan.

At nang ilang dipa na lamang ang kanilang layo sa isa't isa'y nagmamadaling sumugod ang binata at yinakap ang ginoo.

"SIR! I can't believe it!" Halos maluha luha na ang bida, nanginginig ang boses sa galak.

"How are you my dear boy?! Long time no see." Pabirong sagot nito. Natutuwa din syang makita muli ang kanyang protege.

"You're alive Mr. G! This is awesome!" Hindi pa din sya makapaniwala. Halos tatlong taon na din kasi ang lumipas nung huli silang nagkita.

"Yeah. Poging pogi pa din diba? Haha!" Nakakalokong pambasag ng matanda. At kung pagmamasdan nga'y he looks the same as he was 3 years ago.

Nangiti na lamang ang bida. Tumango na lamang sya sa pag-ayon. Maya maya pa'y nag-usisa nang muli ang professor sa kalagayan ng bida.

"So how'd you end up being here, Arch?" Gatong pa nito.

Natahimik na lamang ang bida. Tila napikon sa tanong ng matanda. "We uhhh... Tried to stop Jobs." Napayuko sya at naalala na naman ang kanilang sitwasyon.

"Is it about him manipulating the Control Center?' Paninigurado ni Mr. G kay Arch.

Nagulat sya sa tanong ng matanda, at lalo lamang dumami ang hindi nasasagot na tanong sa kanyang isipan. "Yes Sir. How'd you know?"

Napahalakhak na lamang ang ginoo at yinaya ang bida na sundan sya nito. "Walk with me Arch. I need to show you something."

"When I was dumped here I really thought I'm gonna die. I went through this mind boggling journey to the unknown that I'm sure you experienced as well." Pagpapahayag nito habang seryosong nakikinig ang bida.

"And thanks to that Sacred Technique Jobs' hit me with; I couldn't move or speak. It was worse than the free fall. I was just lying there..." Dagdag pa nito.

"With no food, water or anything; I thought I'm gonna rot in the middle of nowhere. But this enigmatic figure just swoop me right around his shoulders and brought me to that tower and explained the secrets of this place." Turo nya sa dambuhalang kastilyong pinuntahan ni Yuben.

"Apparently in here, earthly physiological functions doesn't matter. Hunger, thirst, exhaustion and sleepiness is non existent. This place defies the natural laws of the Universe." Paliwanag pa ng matanda.

'Noted Sir. So, are we gonna meet him?" Namamanghang tanong ni Arch.

"He's somewhere. He's a Dimensional Explorer. He constantly travel through space, time, galaxies and other worlds; making sure everything is at peace, in order." Paliwanag ng matanda. Maririnig sa kanyang pananalita na tumatanaw sya ng utang na loob sa taong iyon.

At maya maya pa'y nakarating na sila sa nakakalulang puting palasyo na namumutiktik sa iba't ibang mahahalagang bato, hiyas at kristal. Laking gulat ng bida dahil maliit ito kung pagmamasdan sa paligid, halos 20x 20 square meters lamang ang lawak.

"Hey? You still with me?" Panguhang atensyon na tanong ni Mr. G sa bida. Napatango na lamang ito at ninamnam ang ganda ng pintuan. Naglalabas kasi ng kakaibang ilaw ang mga nakaukit na hiyas at kristal dito. Kawangis ng sa bahaghari at sa aurora borealis.

Siga Ng Universe (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon