Chapter 46. Playing Hero

988 45 32
                                    

NEW DAY!

It's a new day for Arch and Yuben! And they never felt this good!

Wala na ang manipulative, gold digging, over bearing, seductive witch with a b in front na si Juniper sa kanilang buhay. Hindi na sila friends. Ultimo sa mga social networking sites ay naka-unfollow at unfriend na! Sadnu?

Kahit mahirap ay kailangan nilang mag-move on mula dito. Alam kasi nilang hindi makabubuti ang magmaktol sa isang taong pinaikot at pinaglaruan ka lamang. Alam nilang they are better off without her.

Sa unang pagkakataon sa tanang buhay ng bida ay nakaramdam sya ng kagalakan at kapanatagan. Masaya sya kahit walang love life. Maligaya sya kahit walang babaeng iniibig. Napagtanto nyang mas maraming mas mahalagang bagay kesa sa hanapin ang kanyang "The One" at lumandi. Ibinaling nya ang kanyang lakas at enerhiya sa pagpapabuti ng sarili. Sa mga oras na ito'y natututunan na nyang mahalin ang isang taong napagdamutan nya ng pagmamahal;

Ang kanyang sarili.

Mas naging malapit din sya sa kanyang pamilya. Mas naintidihan na nya ang importansya at katotohanan ng mga katagang, mawawala at aalis na lahat ng tao sa mundo maliban sa pamilya mo.

Ganoon din naman ang bagong kaibigan ng bida. Ipinagpatuloy nya na lamang ang kanyang buhay ng wala ang dalaga. Mas inalagaan nya na lamang ang kanyang sarili at inintindi ang kanyang mga negosyo.

At mula sa kanilang falling out sa dalaga ay naging malapit sina Arch at Yuben sa isa't isa. Sila'y naging mag best friend dahil na din sa shared interests at commonality. They are brothers by choice, not by chance.

Pareho silang biktima ni Juniper.

Pareho silang tampalasan at traydor na maituturing ng Stinger Corp. at Talaba Boys.

Pareho silang may magulong nakaraang nais kalimutan.

Ngunit kung kailan palagay nilang maayos na ang lahat, ay nagkakamali sila...

Dahil babalik na ang hindi maiiwasang malupit na hagupit ng realidad. Na ang multo ng kanilang nakaraan ay magiging isa nang halimaw na nagngingitngit sa galit at nais kumawala.

Mas malakas, mas karumaldumal at mas maghahasik ng lagim.

********

Unang araw ng Pasukan pagkatapos ng Christmas Break, Enero

Sitting pretty na nakaupo si Arch sa kanilang dining table. Kakatapos nya lamang maghanda ng almusal, mula sa espesyal nyang pesto based pasta dish hanggang sa everyone's favorite na bacon.

Nang tumawag si Yuben sa kanyang cellphone.

"Yo? What's up bro?!" Galak na pagbati nya sa kaibigan.

"Tol. Buksan mo yung TV nyo. Ilipat mo sa news channel." Seryosong utos ng nasa kabilang linya. Napatigil din sya sa kanyang pagwo-work out dahil sa nasaksihan.

"Hey? What's wrong? Why so serious, son?! Haha!" Pabirong sagot pa ng bida ala Joker sa The Dark Knight. Tumayo na sya sa kanyang kinauupuan, hinanap agad ang remote at sinunod ang kaibigan.

At nang makita ang pinapalabas sa news, live via satellite ay nawala ang kanyang kasiyahan.

Nagtatalumpati sa Park of the 400th, katabi ng isang dambuhalang tore na may apat na tila rebultong lalake na nakahawak sa isang globo, at sa mismong base nito ay mayroong engraved handprint sa harapan at isang titanium plated tablet sa itaas nito: ito ang Sancti Thomae Monument, ang isang morenong ginoo. Napakdisenteng tignan sa kanyang suit and tie, maamo ang mukha ngunit may tinatagong kulo.

Siga Ng Universe (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon