Chapter 10. Wasak

2.7K 122 114
                                    

MASAKIT!

Masakit... Yan ang kanyang naramdaman sa nasaksihan.

Para bang dinurog ang puso nya. Nakakatuliro. Nakakapanlumo. Nakakapanghina. Nakakatanga.

Kumpara sa lahat ng sakit na pisikal na naramdaman nya sa talang buhay nya ay tila humagupit sa kanyang puso ang kanyang nasaksihan. Lumalatay. Bumabaon. Tumatagos.

Para bang napagkaitan sya ng langit at lupa. Ang isang simpleng hiling ay hindi napagbigyan. Ang masama pa dito ay dulot ito ng kataksilan. Ng kasinungalingan ng inaakala nyang "special friend" na si Pauline.

Kaya hindi nya malaman kung ano ba ang dapat gawin. Kung ano nga ang Rational na gawin...

"Do I need to confront her?"

"If yes, what would I say?

"If no, what would I do?"

Yan ang mga tumatakbo sa isip ni Arch. Nagtatalo ang kanyang emotion at logic. Ang masama pa dito. Sa sobrang lito. Sa sobrang kakaiba ng naramdaman nya...

Ay hindi nya alam kung ano ang Emotional o Logical thing to do.

Kaya lahat ng lakas ng loob sa kanyang katawan ay binuno, inipon at pinadiretso sa kanyang voice box at humiyaw ng-

"PAULINE!!" sabay takbo palapit dito bago pa sila makapasok sa mall.

Nasindak ang Special Friend ng bida. Tila ba nakakita ng multo. Nahinto siya sa paglalakad.

Gusto nya sanang magtago sa likod nung kasama nyang lalake. Matangkad din kasi yung lalaki, hanggang baba nya lang ang bida.

Kaso huli na ang lahat. Halos ilang dipa na lang ang layo ni Arch.

"Pau! What's the meaning of this?!" galit na bungad ni Arch.

"Arch, let me explain..." mahinhing sabi nya. Habang nagtatago sa may bandang balikat nung kasama nyang lalake.

Yung lalake naman gulat din. Nalilito sa mga nangyayari.

"So Who's this guy?! I thought you're busy huh?! You call this an emergency?!" dagdag ng bida.

Gusto sanang mag interfere nung lalake pero hindi nya pa din maintindihan yung nangyayari.

"Kumalma ka lang, Wag ka naman mag eskandalo..." pangungumbinsi ni Pau.

"So this is the guy?! Pinagpalit mo na ko?! Paano na tayo?! Huh?!"

Biglang nagpintig yung tenga ni Pauline sa narinig nya. Kaya biglang pumunta sya sa harapan nung matangkad na lalake at sinabing-

"Huh?! Tayo?! There was never an US!!" with matching irap nya habang nanggigigil.

Natulala si Arch sa narinig. Oo nga naman. Wala naman silang titulo. Hindi nya naman ito kasintahan. Wala naman silang kasunduan.

"But... But... You're Special to me... I thought you felt the same..."

"Sorry Arch, friends lang talaga." sabay yinaya yung kasama nyang lalake na umalis na.

Nung mapansin ng bida na paalis na yung dalawa ay para bang nawala sya sa kanyang sarili.

"Who the hell is this guy? Ano ba meron sya na wala ako?! huh?!"

Nagulat yung matangkad na lalake, sinubukan nyang pakalmahin si Arch.

"Tol, Tama na. Ayaw namin ng gulo." pangungumbinsi nung lalake.

Siga Ng Universe (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon