Chapter 31. The Hangover

1.3K 53 45
                                    

SINDAK!

Pagkasindak ang naramdaman ng isa't isa. Nasindak si Mr. A sa pabalang na pumasok ng garahe nila Juniper. Samantalang nasindak din ang lalakeng nagbukas ng gate sa presensya ng bida.

"Sino ka?! Anong ginagawa mo dito?!" Sumigaw muli ang lalaking papalapit sa kinatatayuan nya. Pero dahil sa kadiliman ng gabi ay hindi nila maaninag ang isa't isa.

Tahimik lamang si Mr. A. Baka kasi kamag-anak ito ng kaibigan.  Pero nang mamukhaan nya na ito ay biglang nag-init ang kanyang dugo. Agad na nanlisik ang singkit nyang mga mata at kulang na lang ay may lumabas na usok sa mga butas ng kanyang ilong. Ito kasi ang huling taong gusto nyang makita ngayon.

Si Tony.

Gusto nyang tupiin sa ilang ulit ang bulinggit na ex boyfriend ni Juniper. Gusto nyang ibalibag sa lahat ng sulok ng garahe ang lalakeng ito. Gusto nyang burahin sa mapa ang napapanot nang ulo nito. Gusto nyang baklasin ang kayabangang nananalaytay sa mga ugat nito. Pero pinipigilan nya pa din ang sarili; nagtitimpi pa din sya dahil alam nya sa sarili nya kung ano ang kaya nyang gawin. Lalong lumapit ang may Napoleon Complex na ex boyfriend ng dalaga. At sinabing:

"Anong ginagawa mo dito ah?! Anong ginawa mo sa girlfriend ko?!" Pabalang na asik nito as kanya.

"Boyfriend? thought you guys broke up because of your massive ego?! Eh ikaw? Anong ginagawa mo dito?!" Pabalik nyang sambit dito. Pinipigilan nya pa din ang sarili. Ayaw nya pa din kasing gumawa ng eskandalo sa pamamahay ng kaibigan.

"Ano bang pakealam mo ha?! Akala mo kung sino ka ah?!" Panlalaki nito ng mata sa bida. Lalo nya pang nilapitan ito at dinuro-duro ang pagitan ng salamin ni Mr. A.

Hindi na nakapagpigil pa ang bida at hinaltak ang daliri nito. Pero agad namang natanggal ni Tony ang pagkakahawak sa kanyang daliri at nagpakawala ng isang sollidong suntok sa dibdib ng bida. Napahinto sa sakit si Mr. A. Halos natigilan sya sa bilis at pwersa ni Tony. Pumorma na ang bansot na ito na tila handa nang makipagbakbakan, at sinimulan na naman ang pagyayabang.

"Black belter ako ng tatlong Martial Arts. So kung gusto mo pang mabuhay umalis ka na." Banat nito habang naka- fighting stance. Akala mo kung sinong bihasa talaga sa pakikipagbakbakan.

Bahagyang nabahala ang binata sa pagbabanta ng maliit na ex boyfriend ni Juniper. Napakalinis kasi ng pagkakahawi nito sa kanyang kamay at mabilis din ang haribas ng kamao nito sa kanyang dibdib. Pero nagtitiwala pa din sya sa kanyang kakayahang makipagbasag ulo. Naniniwala pa din sya sa kanyang liksi at lakas kahit walang na ang "pwersa" sa kanyang sistema. At higit sa lahat, nagtitiwala pa din sya sa hiwaga ng Quasar Detonator bracelet; ang natitirang tanda ng kanyang nakaraan.

Pinakalma nya muna ang sarili. Tumindig ng diretso at pumorma na din ng pakikipag-away.

"You already hit me. So this is clearly self defense."

Sabay hablot sa napapanot ng ulo ng katunggali. Ngunit bago pa man nya mahawakan ang ulo nito ay sinalo nito ang palad ng bida atsaka ipinilipit.

"Makulit ka din eh no?" Pag-aasik ni Tony habang dinidiinan ang pagkakabaluktot ng kanang pulso ni Mr. A. Lalong tinuunan nito ang braso ng bida gamit ang kabilang kamay, dahilan upang mapaluhod sa sakit ang bida.

Siga Ng Universe (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon