Chapter 17. Power Struggle Part 2

2.1K 90 37
                                    

KNOCK KNOCK!

Pagkatok sa bahay ng isang taong tila ayaw na syang makita. Ayaw na syang makausap. Ayaw na syang maging kaibigan.

Napagsalitaan nya kasi ito ng hindi maganda. Naging makasarili sya sa kanyang nararamdaman. Ngunit hindi nya man lamang naisip ang nararamdaman nito.

Maya maya pa ay bumukas na ang gate, tumambad sa kanya ang taong nais nyang makausap.

"Besty..." medyo nahihiyang bati nya sa kaibigan.

Si Juniper.

"Anong ginagawa mo dito?" seryosong sagot nito.

"I just want to apolog-"

Hindi pa man sya nakapagpaliwanag

"Save it Arch. I don't need your explanation. Pagod na ako sayo. Pagod na akong intindihin ka." pagmamataray ng kanyang bestfriend.

Hindi makapaniwala ang bida sa sinabi ng kaibigan, parang tila ito naman ang nagbago.

"Besty naman. Sorry talaga. I've just been-"

Tuluyang lumabas ng gate si Juniper at hinarap si Arch. Halos ilang pulgada na lamang ang kanilang pagitan. At walang pag aalinlangan nyang sinigawan ang dating kaibigan-

"ANG KULIT MO DIN ANO?! Gusto mo ba Inglisin kita?!"

"I'm done! I don't need a "best friend" like you. You've been selfish. Hindi mo man lang inisip nararamdaman ko! Kaya please lang. Save your apologies for someone else!" Umatras ito papasok at sabay balibag ng pintuan ng gate.

Pero bago pa man tuluyang maisarado ni Juniper ang pintuan ay hinarang ng bida ang kanyang braso.

"Juniper ano ba?! Sorry na. Give me one more c!hance." pagmamakaawa nito sa kaibigan.

"I've given enough chances. I'm better off without you. And I'm damn sure you're better off without me!" pagpupumilit isarado ng kanilang gate.

"Ikaw na lang kaibigan ko. Wag ka naman ganyan."

"ANG KULIT DIN NG MUKHA MO EH NO?! Gusto mo bang tawagin ko pa sila Ate?!" pagbabanta nito.

"Besty... Please. I can't live without you..."

"Can't live without me? Andrama mo. Nabuhay kang Isang dekadang wala ako sa buhay mo. Kaya I'm damn sure you can." Sabay talikod at pasok sa kanilang bahay. Wala na syang pakialam kung mag makaawa pa ang dati nyang matalik na kaibigan.

Siga Ng Universe (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon