Chapter 14. The Plight of Archeebal

2.1K 104 94
                                    

BANDILA!

Bandila ng kanyang dating paaralan ang tumambad sa ilalim ng isang lamesa. Sa loob ng Siopaoan.

Hindi nya alam kung ano ang kanyang magiging reaksyon.

Kaya unti unting bumabalik sa kanya ang paulit ulit na sinasabi ng dati nyang kaibigan...

Na may mga nangyayaring mahirap maipaliwanag, may mga bagay na hindi nya pa maiintindihan, at may "greater scheme" sa lahat ng nangyayari.

Pero bago pa man sya tuluyang mag-introspect at kwestuynin ang mga nangyari sa kanyang nakaraan ay-

"BLAAAGGG!!"

Isang solidong suntok ni Andre sa likuran ni Arch.

Halos mahalikan nya ang lamesang nasa harapan nya. Napangudngod ang kanyang mukha sa lakas ng suntok ng kalaban.

"ANO?! PUMALAG KA NAMAN?!" sarkastikong sambit ni Andre habang naghihiyawan ang mga nanonood na kaklase.

Halos manlambot ang tuhod ng bida sa lakas ng tama. Para bang nararamdaman nya ang tila kuryente na sumundot sa kanyang Spinal Cord.

Pero hindi basta basta magpapatalo si Arch...

Kung palagay man nilang dehado sya, nagkakamali sila...

Kaya dahan dahang tumayo ng diresto ang bida, itinaas ang kanyang mga braso, at hinigpitan ang mga kamao at sinabing-

"Go ahead. Make my day!"

Nagulat ang lahat sa sinabi nito. Lalong lumakas ang hiyawan at lalo namang nagalak ang basketball player.

"HAHA! MATAPANG ka palang Gago ka?!" gigil na sagot nito at nagmamadaling sumugod papunta kay Arch.

Nangpalapit na ang kanang kamao ni Andre sa kanyang mukha ay agad agad naman nyang inunat ang kanang paa at-

"PAAAKKK!!"

Isang malakas na tadyak na sikmura ang sagot ng bida bago pa tumama ang sapak sa kanya.

Napayuko si Andre. Makikita ang sakit sa kanyang mukha.

Samantalang ang bida kalmado lamang na hinihintay ang susunod na atake nito.

Maririnig ang sigaw ng mga kabatak nito at sinasabing-

"Andre, Ayos na tol! Magpapatalo ka ba dyan?!"

Agad agad namang tumayo ito. Ngumisi at pang-asar na sinambit na-

"Tengena. Buhawi Moves ka sakin. Ginagalit mo ko eh." sabay taas ng kamay na tila minumwestruhan ang mga kaibigan na mag-ingay.

Pumorma ito ng mala Bruce Lee at tila nag Shadow Sparring, pinagyayabang ang kanyang di-umano fighting prowess.

Samantalang ang bida, steady lang. Kalmado lang. Iniipon ang lakas at hindi nagyayabang.

Dahan dahan na itong papalapit kay Arch habang lumulukso luksong mala- Martial Artist.

Walang sabi sabi ay sya naman ang umatake. Hinaribas nya ang kanyang kaliwang kamay at-

"PAAAKK!!"

Siga Ng Universe (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon