Chapter 33. Red Flag

1.3K 50 71
                                    

LOSE!

"Oh trust me, I'd win this battle. I never lose."

Yan ang huling mga salita ni Scarlet kay Mr. A bago nya ibaba ang telepono. Hindi pa man sya nakapagpaliwanag, hindi pa man sya nakakibo ay pinutol na agad ng dalaga ang kanilang pag-uusap.

Sa lahat pa naman ng bagay na nakakapagpa-irita sa bida ay ang ganito, babaan ng telepono.

Kaya't pinindot nyang muli ang redial, handa nang maglitanya pero hindi nito sinagot ang tawag nya. Lalo tuloy nanggigil si Mr. A.

"OMFG?! What disrespectful b*tch!" Pagkikimkim nya sa kanyang isipan. Halos may lumabas nang usok sa tenga't ilong nya.

Agad nyang tinext ito ng-

"Hey! Why'd you hang up?! Didn't your parents teach you any manners?" Ayaw nya ng tawagan muli ito. Alam nyang mapapahiya lamang sya sa kanyang gagawin.

Ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa din nagrereply ito. Lalo na syang nauubusan ng pasensya. Lalo nang naiinis ang bida. Ibang laro ang ginagawa sa kanya ni Scarlet. Ngunit kailangan nyang mapalapit dito. Hindi pa din kasi sya matahimik sa misteryo ng nakaraang gabi.

Nakauwi na't lahat ang bida, mahigit isang oras na nakalipas mula nang mag-usap sila ay wala pa ding sagot ang dalaga.

Napapaisip na tuloy sya kung kakalimutan na lamang ba ito o susubukan pa rin. Mukhang nakahanap na kasi ng tunay na misteryosong, aroganteng, #medyobadgirl ang bida.

At sa unang pagkakataon ng kanyang pagiging si Mr. A ay talagang nabahala sya, sa isang taong hindi nya naman lubusang kilala.

Alas Onse ng Gabi

Nakapagpahinga, nakapaglinis ng katawan at nakapag-muni muni na si Mr. A. Handa na syang matulog. Pagsalampak nya ng kanyang higaan, matapos ng ilang oras ng paghinintay; ay tsaka pa lamang sumagot ang dalagang mahilig sa pula, Si Scarlet.

Medyo nag-aalinlangan na syang buksan o basahin ang message nito, ngunit dahil na din sa curiosity ay tinignan nya kung ano ang sagot ng babae: "just told you, if you wanna try me, follow mrules. I got stuff to do. don't owe you any explanation, mister."

Nag-init na lang ang kanyang ulo, hinigpitan ang kanyang mga kamao at pinipigilan ang sariling sumigaw. Tumayo sya sa kanyang higaan, nagsusuntok sa hangin at naglabas ng sama ng loob. Wala mang tunog o ingay na lumalabas sa kanyang katawan pero sa kanyang isipan ay minumura nya na lahat ng pwedeng imura kay Scarlet.

**********

Kinabukasan

Kahit hapon pa ang klase ay maagang pumasok si Mr. A sa eskwela, gusto nya kasi munang tumambay at kausapin ang isang taong alam nyang maaasahan nya sa mga ganitong bagay.

Sa Sosyal na KapehanMartes

"O? Anong problema couz?" Pambungad na tanong nito sa bida bago ilapag ang kanyang usual drink.

"think you know what my problem is..." Sagot nito kay Mariz matapos uminom sa kanyang kape.

Napanganga si Mariz sa sinabi ng pinsan. Nanlaki ang mga mata nito at tinakpan ang kanyang bibig sa gulat.

"Is it what think it is? Oh my gosh couz..."

Siga Ng Universe (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon