Chapter 27. High Status

1.5K 56 67
                                    

ANGAS!

Yan ang pakiramdam ni Mr. A. kapag eentrada sya sa mga eskwelahang pwedeng pasukan. Halos lahat ng pwedeng lipatan nya ay nahalughog na nya.

Mula sa Saint Beada College, Central Scholars University, Far Western Institute hanggang sa  Ateneo De La Salle University; pare-pareho lamang ng sinabi sa kanya.

"Hindi kami tumatanggap ng transferees in the middle of the year. Kung gusto mo, sa first semester ka na lang mag-enroll."

Iba ibang Syudad, Iba't ibang Paaralan ngunit pare pareho ng sagot.

Ganun pa man, dahil sa new found confidence ay hindi sya nagpatinag. Alam nyang makakahanap pa sya ng mapapasukang kolehiyo.

**********

Isang linggo bago ang pasukan, Martes, Oktobre

Crunch time!

Malapit na magsimula ang pasukan ay wala pa syang napag-eenrollan. Kaya bago umuwi mula sa paghahanap ng mapaglilipatang kolehiyo ay tinawagan nya muna ang kanyang ina para sa paulit ulit na lang na balita.

"Mom. Still. Same thing." iritableng sagot nya habang naghihintay ng masasakyan.

"Gusto mo na lang ba magstop muna?" kaswal na sambit ng kausap sa kabilang linya.

Napabuntong hininga na lang ang binata habang tinutulak tulak ang lente ng kanyang salamin.

"Any suggestions mom? Saan pa ba okay mag- Psychology?"

Napagdisisyunan nya na kasing sundan na lamang ang yapak ng kanyang ina at magpursigi sa pag-aaral ng Sikolohiya. Ito din naman ang kanyang Second Choice ng kursong kukunin.

"Well... There's one more school in my mind. Okay lang ba sayo?" tanong sa anak na para bang nababasa na nito ang kanyang ibig sabihin.

"Really!?" napapailing nyang sagot.

"Sige. I'll try. I'm on my way there now." dagdag nya bago ibaba ang telepono. Sakto din dahil may bakanteng taxi pumara sa kanyang harapan.

Ito ang huling kolehiyong bibisitahin nya. Kapag hindi pa sya pinayagang makapasok dito ay matetengga sya ng ilang buwan sa bahay.

Kaya lahat ng Santo at Santang pwede nyang pagdasalan ay tinawag na nya. Mula kay St. Luke, St. John, St. Paul ultimo si Santa Claus na aligaga sa pag-iimpake ng mga regalo inabala na nya, maituloy lamang ang pag-aaral.

Matapos ang ilang minuto, nakarating na sya sa kanyang destinasyon. Isang malaking paaralang hindi nya inaasahang papasukan nya.

Ang Triad University. Hindi ito kasing laki ng kanyang dating Alma Mater ngunit mukhang napaka-welcoming ng ambiance nito.

Nakabungad ang isang metallic facade at ang Luntian na gate sa paligid nito. Punong puno ng mga bonsai at sari saring halamang hindi naman namumunga.

At bago sya pumasok ay huminga syang malalim, bahagyang nilinis ang lente ng kanyang salamin at tinawagan ang isang taong hindi nya nakausap ng matagal na panahon

"Hello. Are you in school?" nahihiyang tanong nito.

"Uhmm. I'm waiting outside..."

At matapos ang ilang sandali, hindi pa man sya nakakaporma ay tumambad sa kanya ang isang dalagang kasing edad nya. May katangkaran. Nakasalamin. Abot balikat ang buhok.

"ARCHEEBAL!!!" pambungad nito mula sa kanyang likuran. Si Mauricia Petricelli Petruz. Ang kanyang first cousin at dating partner in crime. Matapos ang ilang taong hindi pagkikita ay magkasama na sila ngayon sa iisang paaralan.

Siga Ng Universe (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon