Chapter 56: Regrets

43 6 0
                                    

Silver's Pov.

"Impernes." hingal na hingal na umupo sa tabi ko si Kian at uminom ng tubig, "He's not bad, isa din siya sa mga transferees diba-- ay teka."

Inabot sa akin ni Jordan ang tubig at umupo sa tabi ko.

"Hoy, gago." napa kunot ang noo ko, minumura ba ko neto? "Gago, diba siya yung kasama ni Scarlet?"

"Tarantado ka, ang slow mo. Ngayon molang napansin?" mura sa kaniya ni Jordan.

Matapos uminom ng tubig, tumayo ako para kunin ang towel ko. Hindi maalis ang tingin ko don sa art na 'yun, seryoso ba siya? Ano siya? Bading? Ako daw pinunta niya dito? Nakakainsulto ah.

Kasalukuyan siyang naka upo medyo malayo sa amin at kinakausap ang ibang mga teammates namin, i think they're talking about something funny-- pake ko?

Pabagsak akong umupo ulit at tahimik na kinuha ang phone ko sa loob ng duffle bag ko, while holding my bottle i scrolled through instagram.


May 15 minutes lang kami para mag pahinga, sulitin na.


"Bro, cr lang ako." Paalam ko kina Kian at Jordan bago umalis ng gym.


Tahimik akong tumakbo palabas at bumagal ang takbo sa oras na makalayo sa gym, nag lakad nalang ako at binuksan ang phone ko.



Mag s-stalk lang naman.



Pag pindot ko sa account ni Scarlet sa twitter mabilis napakunot ang noo ko at tumigil ako sa pag lalakad at hinahabol ang hininga ko.



I kept on scrolling but it's just her face with that guy named art. Nakakairita namang tignan mga pagmumukha neto, nakakasawa.


Habang patuloy ako sa pag s-stalk, natigilan ako sa oras na maka tanggap ako ng tawag mula kay Angel.



Mabilis kumulo ang dugo ko, ano nanaman ba kailangan ng basurang 'to?




I declined the call, dahan-dagan akong nag lakad pabalik sa gym at nakitang naka tayo na sila lahat.



"G naba?" jordan asked me and i nodded.


The game started again, same teams. I stretched my arms before positioning myself. Still staring at that guy named art, nakakainsulto yang mga tingin na binabato niya sa'kin, sarap ipakain sa bulldog ang mata e.



The game started.



Then few minutes passed, as usual. Nakakairita talaga. Isang puntos lang ang pagitan namin.




"Ang init shet." bulong ko.



"Nasa tabi mo ko eh." i raised my middle finger at Kian who was standing beside me.




Im sweating, naliligo na din ako sa sariling pawis ko. Hinihingal na din ako at pagod na katatakbo ang paa ko.




Ilang minuto din ang naka lipas, huling round na 'to. Isang puntos pa din ang pagitan namin, gaya ng kanina. Pag naka punto sila ngayon, tie nanaman.




Ipinasa sa akin ang bola, tatakbo na sana ako kaso natigilan at pinosisyon ang sarili sa oras na harangin ako nung art.



"Bat ang hilig mong humarang?" bulong ko, nakita ko kung paano niya ako nginisian.


"Ano bang ibig sabihin mo 'dun? Harang sa laro? O harang sa pagitan niyo ni Scarlet?"



Natigilan ako sa oras na marinig ko ang sinabi niya, nawalan ako sa sarili ko at huli na sa oras na maagaw niya ang bola sa akin.



Fight For Love 2: Fighting Till The End Where stories live. Discover now