Chapter 1: The New Chapter Of Their Story

200 9 1
                                    

Scarlet' POV.

Isang buwan na ang naka lipas nang matapos ang mga trahedyang nangyari sa buhay namin, isang buwan na 'din ang nag daan matapos kaming makapag graduate ng highschool sa Emera Academy. We turned collage this year. Wala parin naman nag bago sa isang taon na pag sasama namin.

Si Mike at Xyra?. Wala naman pinag bago. Madalas na din ngumingiti si Mike lalo na pag kasama niya si Xyra, isang buwan na din ang nag daan buhat ng matindihang katorpehan nitong si Mikey, pero naka amin naman kaya ayun sinagot siya ni Xyra, hanggang ngayon strong naman sila, pero minsan-minsan may mga cool-off na nagaganap, pareho ba naman silang seryoso, hindi makumpleto ang araw ng hindi ka susungitan, malamang mag aaway 'yang mga yan.

Si Zain at Laika?. Naku PDA much. Ako na laging nasa bahay?, dinadalaw lagi si Laika, oo inaamin ko na nabibitter ako sa kanila, grabe naman kase yung ka-sweetan, twice a week may mga bulaklak na dumarating para kay Laika, naging garden na nga yung kwarto ng bruha sa dami ng bulaklak na pinapadala ni Zain para sakanya, tumataba na 'din yata sa mga chocolate's. Minsan nakakainggit din, kase ang swerte nya-- sinong hindi maiinggit kung ma-effort yung boyfriend mo, diba?.

Si Daren at Krisha, kung PDA sina Laika at Zain, mas PDA ang mga 'to. Imagine, araw-araw, bawat weekends, bawat break time nila sa klase lagi silang lumalabas, minsan kumakain sa labas, minsan naman sa mall, ewan ko kung san nag pupunta, gusto ko na nga isumbong sa mga magulang nila 'eh. Pero, eto naman si Daren. May pag babago din, medyo hindi mapigilan ang kaharutan kaya napupunta din sila minsan ni Krisha sa cool-off. Pero, syempre dakilang marupok ang bruha naming kaibigan, napapatawad naman.

Si Jecko at Devesin. Eto, buti pa 'tong dalawang 'to. I really salute Jecko, kasi pinag bubutihan daw nya ang pag aaral niya, kase para din naman daw sa kanila ni Devesin 'yun, o diba? naka focus na sa future, maganda na din kasi 'yon pakiramdam ko din naman mag tatagal sila dahil tatlong beses palang yata sila nag cool-off, malamang dahil sa busy si Jecko o dahil may pinag seselosan si Jecko, seloso yung lalaking 'to eh, ayaw din pinapabayaan si Devesin, i hope all.

Si Silver at ako?, nako huwa niyo nang itanong. Madalas pa 'din kaming nag aaway. Kung ma-pride si Silver dati? Mas ma-pride siya ngayon, kung ma-toyo ako dati, mas ma-toyo ako ngayon. Madalas kami mag cool-off, siguro mga apat na araw o limang araw lang kami mag a-ayos tapos cool-off na naman, minsan na sa akin ang problema, madalas yata sa kaniya, magulo kasi. Masyado siyang childish kaya minsan napipikon ako, minsan naman sumosobra daw ako kaya nag aaway kami. Minsan lang naman siya sweet sa 'kin, madalas pag monthsary namin. Pero ngayon?, cool-off kami. Bakit?, nakakainis siya kanina!. Sinabi kasi niya kanina, lalabas kami i-t-treat niya daw ako sa McDo hintayin ko daw siya sa labas ng academy, pero tinext ako ni Daren sabi niya hindi daw makakapunta di Silver dahil may laro silang video games ng mga pinsan niya, pustahan panaman daw 'yun-- o, sinong hindi maiinis diba? pinag hintay sa wala.

Mabuti nga hindi na naka tira dito ang mga boys bawas init ng ulo yun, para hindi ko na 'din naki-kita pag mumukha ng Silver na 'yon. Yung 3 era spys at sina Thunder? Strong pa din yung mga 'yan, sangayon. Nasa U.K sila dahil may misyon silang kailangan tapusin, hindi namin alam kung kailan balik nila, as long as natapos daw nila yung misyon doon palang sila pwedeng bumalik dito. Sana, walang masamang nangyayari sakanila ngayon, kase wala kaming contact sakanila more than a month ngayon, pero nabalitaan namin sa gangster building na maayos naman daw nilang tini-take ang misyon.

"Hoy, Scar. Nakikinig kaba?."

By the way, nandito pala sa loob ng kwarto ko si Krisha. Teka, pano nga ba naka pasok dito 'yan?.

"Krish. Kung iku-kuwento mo lang yung tungkol sa movie date niyo kanina ni Daren, sa iba nalang. Baka mabaril pa kita."

Fight For Love 2: Fighting Till The End Where stories live. Discover now