Chapter 2: Promises

69 8 0
                                    

Krisha' POV.

Kasalukuyan kaming nanonood ng movie dito, hindi pa kami nag dinner at walang balak mag luto ni isa sa amin. Tinatamad naman si laika mag luto dahil nga busy nanonood.

"Aren't you guys hungry?" tanong ni devesin sa amin.

Wala si scarlet sa bahay ngayon, sinundo siya ni silver dito lalabas daw sila. O diba, hindi nila matiis ang isa't isa, lalo na yung bruha. Hay nako, nag away kasi sila kanina tapos nag sinuyo ni silver, ewan ko kung anong ganap sakanila ngayon.

"Wala kaba talagang balak mag luto?"

"Dev naman, busy ako ikaw nalang mag luto gusto mo?"

"Hindi ako marunong, baka malason kopa kayo mamatay pa tayo ng wala sa oras--"

Natigilan sa pag babangayan etong sina Devesin pati Laika nang may mag doorbell, nag order ba sila? Dahil malapit si Xyra sa pintuan siya na ang tumayo at nag bukas ng pintuan.

"Why you guys here?"

Sa boses palang na 'yan ni Xyra alam na namin kung sino ang nandito, pumasok silang lahat sa sala at may dalang mga take-out orders, omg! Nag drive-thru sila? Hala, sakto nag c-crave panaman ako.

"Bat napadalaw kayo?" tanong ni Devesin na abot hanggang mata ang ngiti, kanina pa kasi siya gutom 'eh gusto niya mag luto kaso nga lang hindi siya marunong, alam lang niyan mag lutong hotdog kaso wala kaming stocks na hotdog.

"Tinext ako ni Scarlet." biglang sagot ni Jecko, "Sinabi niya kasi na hindi pa kayo nag d-dinner kaya bago kami pumunta dito nag drive-thru kami."

Hay nako, scarlet talaga nakapag abala pa ng tao. Pero salamat nadin sakanya kundi hindi kami kakain ngayong gabi, haystt. Laika kasi 'eh, mamatay kami sa gutom pag hindi nag luto 'yan. Nag simula na kaming kumain lahat, hindi pa din pala daw sila kumain kaya eto, sabay-sabay na lahat.

"Ano nang balita kina Silver?" tanong ni Devesin sa mga boys matapos naming kumain.

"Ewan, baka pinaiyak nanaman si Scarlet." natatawang biro ni Jecko.

"Masyado kasing topakin si Silver, biruin mo sabihan ng 'maglalaro sila ng video games kasama mga pinsan niya' sino nga naman hindi magagalit doon, babae panaman pinag hintay ng bobo." naiinis nadin si Zain sa ginawa ni Silver.

Madalas talaga mag away sina Scarlet, pag hindi na-take edi cool-off sila. Napapaisip kaming lahat madalas kung mag tatagal pa 'yan, kami naman nananalangin na sana mag tagal naman sila. Mukhang mahal naman talaga ni Silver si Scarlet kaso hindi lang talaga nila alam kung paano siguro ibalanse yung oras nila at yung mga private hobby's nila kaya ayan yung kalalabasan.

"Hm. Are you sleepy?"

Umiling ako sa tanong ni Darren, katabi ko siya ngayon. Pero, inaantok na din ako kasi ilang araw akong puyat dahil sa mga projects na kailangan kong i-pass nung nakaraang araw. Pero nakakahiya din kasi pumunta sila dito tapos tutulugan ko lang sila?

Fight For Love 2: Fighting Till The End Where stories live. Discover now