Chapter 30: Together

46 5 0
                                    

Third person's POV.

"Master." pumasok ang sekretarya ng isang lalaking kinagagalangan ng kumpanya at ng mga taong hinahawakan niya.

"What?"

"There's a problem." sa oras na narinig niya ang sinabi ng sekretarya niya, isinara niya ang ginagawa niya at tinignan ang sekretarya niyang nanginginig sa takot. "Mukhang naka kuha po ng mga litrato ang pamilya--"

"Who did?"

"The head of their family." sa oras na narinig niya ang sinabi ng sekretarya niya, hindi niya napigilan ang galit niya at hinampas ang lamesa na nasa harapan niya at nagulat ang lahat ng na sa loob ng opisina.

"How did he get those?!"

"H-hindi po namin alam."

"Sigurado akong may gumagawa ng paraan ngayon, sino ang kasalukuyang kumikilos, o gumagawa ng paraan para makakuha ng ibedensya sa kaso?"

"The daughter." natigilan siya, ang nag babaeng anak ng matinding kalaban nito.

"What's the name?"

Ibinigay ng sekretarya niya ang isang papel at agad niya itong kinuha at hindi na ng dalawang isip na tignan at basahin. Halos lumuwa na ang mata niya sa gulat at hindi maka paniwala.

"She's the girlfriend of your son."












Laika's POV.

Kasalukuyan akong na sa loob ng kuwarto ko, weekends ngayon. Buti naman, makakapag pahinga din. Wala akong lakad ngayon, pero yung mga impakta meron yata.

Wala din namang nasabi si zain sa 'kin na may lakad kami, so this must be my rest day then?

Bumaba na ako para sabihan ang mga maids na mag luto ng breakfast ng mga impakta, tulog pa sila dahil sobrang aga pa.  Pag baba ko sinabihan ko na agad ang maid na naka tutok sa kusina kung anong lulutuin nila, lumabas muna ako ng bahay para mag ikot ikot sa garden, ilang araw na ding di nadidilig ang mga halama na 'to.

Agad kong inutusan ang isang maid na naka toka lang na sa labas ng bahay, umupo ako sa gilid ng fountain at humiga-- pwede akong mahulog ano mang oras pag gumalaw ako, bwiset-- pero kasi ang sarap pakinggan ng agos ng tubig.

Humiga ako at pinikit ang mata ko. Fresh air.






"Laika."

"Lai?"

"H-hey?"

"Babe!"

Napa layo ako at hindi ko agad natandaan na naka higa nga pala ako sa gilid ng fountain, wala na akong nagawa at napa upo mismo sa loob ng fountain at naliligo na sa tubig-- bagong style ba ng bathtub 'to?. Bwiset!

Asar na asar kong tinignan ang tawang tawa na si zain, inayos ko ang buhok ko dahan-dahan na tumayo pero madulas.

"I'll help you--"

"Nope." agad kong putol sa kaniya at sinimangutan ko siya.

Humawak ako sa dulo ng fountain para tumayo pero sobrang dulas sa loob, ilang segundo bago ako naka tayo ng maayos, dahil medyo mataas din 'yun, hindi ako pwedeng baba ng basta-basta. Umapak ako sa dulo ng fountain at bababa na sana pero nadulas ako dahil sa katangahan ko.

Fight For Love 2: Fighting Till The End Where stories live. Discover now