Chapter 16: Kylo Sanchez

47 5 0
                                    

Krisha' POV.

Nandito pa kami ni Daren sa loob ng Mall, nag mall muna kasi kami para kumain gutom na gutom na kasi ako, sino ba naman kasing hindi magugutom? Halos mga limang oras na kami nag b-byahe, tapos nag r-rides kumakain lang kami mga puro fries or burger, hay nako.

So ayun, katatapos lang namin kumain at nag babalak na kaming umuwi dahil gabi na 'din baka kung ano nang pumapasok sa mga kokote ng mga impakta isipin kung saan ako nag pu-punta.

Text ng text si Laika sa'kin tinatanong ilang beses kung na saan daw ako, kailan ba daw ako uuwi, halatang bored eh. Nag text din sakin si Xyra nandoon daw sina Mike, Zain at Jecko sa bahay doon daw sila mag d-dinner.

Ewan ko lang kung anong ginagawa nila ngayon lalo na't wala ang mga mood maker-- who else? Syempre si Scarlet at Silver. No one would ever expect na darating sila sa point na mag b-break, dahil kami natatanging nasasaksihan lang namin pag nag aaway sila, cool-off lang.

Ewan ko kung anong pumasok sa kokote ni scarleg at nakipag break siya at gusto na niyang tapusin ang relasyon nilang dalawa, matapos niyang nag open samin noong nakaraang gabi, napaka sakit din naman nga na makita ang mahal mo na may kasamang iba diba?, naiintindihan ko naman ang desisyon niya pero ako para sa 'kin gusto ko na mag balikan sila, hindi din kami sanay na nag iiwasan sila-- i mean, ewan ko kung mag iiwasan sila. Kasi hindi pa namin sila nakikitang magkasama, i mean. Hindi pa kasi pumunta ng bahay namin si Silver matapos ang break-up-scene nila ni scarlet, pakiramdam ko lang nag iiwasan sila kasi pumayag daw si silver na pumunta sa bahay nung nalaman daw niyang wala sa bahay si scarlet-- see?, nag iiwasan talaga sila.

"Hoy. Okay kalang?" ay, may kasama pala ako?

"O-oo." maiksing sagot ko sabay ngiti sa kaniya.

Kinulit ko siyang agad na kaming dumiretsyo ng parking lot dahil may gusto pa sana akong puntahan bago kami umuwi, sa park.

Habang nag mamaneho siya nag desisyon ako na sabihin kong dumaretsyo muna kami sa park.

"Honey?"

"Yes, honey?"

"Do you mind if, dumaretsyo muna tayo sa park sandali?"

"Huh?, akala ko ba gusto mo nang umuwi--"

"Gusto ko muna kasing mag pa hangin."

"Sure. Let's go to the park then." napa ngiti nalang ako sa oras na sumang ayon siya na pumunta kami sa park.

It's been already years, darn. No one actually knows if our relationship's will stay until the end of our own stories. Malay namin, baka hindi pala kami talaga para sa isa't isa, baka pinag tagpo lang kami dahil para mag bigay aral sa isa't isa-- but im not wishing that to happen, pero wala din talaga kasing nakakaalam diba? Minsan kasi may mga bagay na kailangan nating tanggapin, yung mga bagay na akala nating permanente, but i wish this relationship to stay stronger.

Nag simula din akong kabahan nung nalaman kong nag break si Scarlet at Silver, doon ko narealize na kahit gaano katibay ang relasyon niyo, kahit gaano katibay niyong lalagpasan ang mga problema, pag hindi kayo para sa isa't isa, pag hihiwalayin at pag hihiwalayin parin kayo ng tadahana.

Pag baba namin sa kotse sabi niya mag lakad lakad muna daw kami, gabi nadin at ito ang perpektong oras para masilayan ang magandang tila parang litrato na lugar.

Cool breeze, beautiful lights, smiling people's. . . perfect.

"I know something is bothering you." biglang sabi niya dahilan para mapa lingon ako sa kaniya. "You should tell me, you can't keep secrets around me."

Fight For Love 2: Fighting Till The End Where stories live. Discover now