Chapter 34: Her Smile

38 4 0
                                    

Julia's POV.

Agad akong tumayo at mabilis na pumunta sa kuwarto namin ng mga girls at kumuha ng jacket at mabilis nag soot ng sapatos para lumabas muna dahil kumukulo ang dugo ko. Like seriously, im totally fvcking stressed since yesterday tapos aalahanin ko pa siya-- sobrang gabi na niyang umuwi ngayon at hindi man lang ba niya naisip na nag aalala ako?

Agad akong lumabas ng bahay na tinitirahan namin at nag lakad lakad, marami rami pa ang mga tao dito dahil madalas ganitong mga oras sila lumalabas dahil maganda ang simoy ng hangin, nakakabawas din ng stress.

Tahimik akong nag lalakad mag isa habang tinitignan ang mga ilaw na nakasindi, they're so pretty.

Sa kalagitnaan ng pag iikot ko sa lugar, natigilan ako sa pag lalakad sa oras na may humarang na tao sa dinadaanan ko. Kunot noo kong tinignan ang taong 'yun dahil alam ko kung sino 'yun.

"Hey, i can--"

Hindi kona siya pinatapos at nilagpasan nalang at nag patuloy sa pag lalakad, tch. Paano ako nahanap 'nun?, ang layo ko na kaya mula sa bahay. Tch. Nakakairita talaga siya, sobra.

Binilisan ko ang pag lalakad ko dahil pakiramdam ko sinusundan niya pa ako, ano ba naman 'yan. Ang sarap naman sampalin ng siraulong 'to, saan ba niya namana ang pagka-chickboy niya? Kay mike ba-- malayo namang sa kuya niya namana yan ibang iba sila ng ugali, tsk.

Napahinto ako sa pag lalakad sa oras na lumabas ako mula sa isang eskenita, teka-- nasaan na ako? Walang nang masyadong tao dito.

Nag simula akong kabahan sa oras na hindi ko na alam kung saang lugar ito, bumalik ako sa eskenitang pinanggalingan ko at nakitang sobrang daming eskenita doon-- at hindi ko alam kung alin doon ang daan!

Hala. Naliligaw ako.

Kinapkap ko ang phone ko sa jacket para tawagin sina Jasmin, pero naalala ko hindi ko nadala-- nakalimutan ko sa bahay! Hala, patay. Pano 'to?

Gaya nga ng sabi ko walang tao dito, kung meron man pipilitin kong mag tanong kung saan ang tamang daan kahit na hindi ko sila maintindihan-- i don't freaking speak french language.

Pumasok ako sa isang kanto, ewan ko kung tama 'to-- basta. Nag patuloy ako sa pag lalakad kaso nag simula akong kabahan sa oras na maka rinig mg mga tawanan hindi kalayuan dito.

Ilang segundo na akong nag lalakad at nakita ko kung sino 'yung mga naririnig ko kanina, they're bunch of guys-- total of at least ten people? They're at our age-- maybe. Pero isa lang ang sigurado ako-- mga siraulo sila.

Agad akong napa iwas ng tingin sa oras na tignan ako ng isa sa kanila, they stopped laughing and started whispering. Nalagpasan ko din sila pero natigilan ako sa pag lalakad sa oras na mayroong humarang sa harapan ko, and im sure it's one of those guys.

"salut là beau ( hi there beautiful )" the guy infront of me said, hindi ko maintindihan ang sinasabi niya gaya nga ng sabi ko hindi ako nag sasalita ng french.

"I-i. . . i don't speak french, s-sorry." saad ko at ngumiti bago siya lagpasan, pero muli akong natigilan ng harangin niya ang dinadaanan ko.

"où allez-vous?, etes-vous pressé? ( where are you going?, are you in a rush? )" napa kunot nalang ako ng noo ng bigla siyang tumawa pagkatapos niyang sinabi ang mga salitang 'yun.

For goddam-- i don't really freaking understand anything what he said! Are they speaking a alien language or something?.

"U-uh. I-i have to go--" bago pa ako maka apak paalis sa harapan niya nagulat ako at mas lalong kinabahan sa oras na hawakan niya ang balikat ko, agad akong napa atras para tumakbo pero napa balik din sa oras na makita ang mga kasama niyang naka abang sa likod.

Fight For Love 2: Fighting Till The End Where stories live. Discover now