Chapter 96: Drunked Scarlet

35 4 0
                                    

SCARLET'S POV.










"Hindi ba siya busy?"




"Hindi naman siguro niya tayo tatawagan kung busy siya, diba?" lingon sakin ni Laika kaya naman tumango nalang ako at nag patuloy sa pagpa-patuyo ng buhok ko.




Xyra just called earlier. Nabanggit niya sa amin na kailangan niya ng tulong tungkol sa bagay na hindi niya naabanggit sa amin, kami naman 'tong mga lutang at hindi naitanong kung saan siya papatulong.







Kasalukuyan kaming nasa kuwarto ko. Dalawang araw na akong wala sa trabaho dahil sa kalagayan ko, I'm still getting used to my headaches but im doing perfectly fine. Ako pa! Gaya ng bilin saakin ni Dev, uminom lang daw ako ng meds sa tamang oras.





"Sigurado kabang okay kana?" tanong sa akin ni Krisha sabay upo sa kama ko.




"Ayos na ayos na 'ko, ano ba kayo." I chuckled, "Para namang nabaril ako o ano."







"Okay, okay. I just texted Xyra that we're on our way." Biglang bungad ng kabuteng si Laika sa pintuan.







"Wait lang, aayusin ko lang mukha ko-"







"Ang bagal mong kumilos- sa kotse ka nalang mag ayos!"





Hindi na ako naka angal sa oras na hilain na ako ni Laika habang dala-dala naman ni Krisha ang mga gamit ko. Mabilis kaming bumaba ng hadgan at naabutan si Rett na paakyat kaya naman tumigil kaming tatlo sa pag alis.






"San punta niyo." lingon samin ni Rett.






I cleared my throat before responding. "Xyra's house. Emergency. Babalik din kami agad!"







"Okay, I guess? Don't forget to take your meds."







"Of course!"







Habang hinihila ang dalawa palabas ng bahay bago panamin maabutan si Dad, narinig ko ang sigaw ni Rett na mag ingat daw kami sa pag-mamaneho. Well, ugh. Kung si Krisha ang mag mamaneho, hindi malayong sa ospital bagsak namin.








"Sinong mag mamaneho?" Tanong agad ni Laika sa oras na maka labas kami habang pinag mamasdan ang sari-sarili naming kotseng naka hilera sa hallway ng bahay ko.








Kung hindi lang talaga masakit ulo ko ako na nag maneho. Nakakatakot mag maneho yung dalawang 'to jusko, sana nandito na si Devesin palibhasa siya lang naman matino at maingat pagdating sa pag-mamaneho, jusko lord.







Ayaw ko pang mamatay.









"Ako na." bago pa man ilabas ni Krisha susi niya sa bulsa niya mabilis kong hinablot 'yun. "Wh- hoy!"








"Masyado pang maaga para mamatay." pinasok ko sa bulsa ko ang susi ng kotse niya na mamaya ko nalang ibabalik oag naka pasok nakami sa kotse ni Laika. "Mas matino namang mag maneho si Laika kesa sayo, Lai. Ikaw nalang."








"Hm, sige." Mabilis na sagot niya kaya naman hinagis ko na pabalik kay Krisha yung susi ng sasakyan niya bago pa niya ako masakal.








"Ayusin mo desisyon mo sa buhay." Biglang bulong sakin ng impaktang si Krisha. "Alam mo bang mas grabe pa siyang mag maneho saakin? Did you just forget the fact she played racing few years ago as a fucking hobby- Scarlet, masyado pa akong bata para mamatay-"








Fight For Love 2: Fighting Till The End Where stories live. Discover now