BS #39: ROAD TO HAPPINESS

173K 3.6K 208
                                    

THIS STORY IS TO BE PUBLISHED BY RISING STAR PUBLICATIONS.

***********

MELISSA QUIZON

"Baby, 'wag kang malikot. Malapit ng mag-landing ang airplane." Paalala ko kay Reid at hinawakan ang kamay nito.

"I'm so excited, Mommy." Masayang sabi nito.

Nginitian ko siya. "I know. Me too."

Lumabas na kami sa eroplano nang mag-landing ito. Sumakay kami sa aming sasakyan na kanina pa pala sa amin nag-hihintay.

"Welcome to our city, Ma'am." Bati ng driver namin.

Matipid ko itong nginitian at pagkatapos ay pinunasan ang dumi sa gilid ng labi ng aking anak.

"Mommy, you like?" Malambing na sabi ni Reid at inumang sa bibig ko ang kinakain niyang biscuit.

"Thank you, Baby. Go, eat it. I'm not hungry." Mahinahon kong sabi.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa labas ng kotse. Pinagmasdan ko ang mga berdeng tanawin. Malayong malayo ito sa Manila. Parang kay linis ng hangin dito at walang polusyon.

Kanina pa ako kinakabahan. Hindi ko alam kung paano ko pa siya pakikitunguhan pagkatapos ng lahat ng nangyari sa amin.

Malakas ang pintig ng aking puso habang papalapit kami sa aming destinasyon.

"Mommy, are we there yet?" Naiinip na tanong sa akin ni Reid.

"Malapit na."

Tumingin muli ako sa labas. Nanlaki ang mata ko nang may makitang isang pamilyar na mukha sa di-kalayuan.

"Wait! Wait! Stop the car!" Agad na huminto ang sasakyan.

"Mommy, why?"

Pinagmasdan kong mabuti ang kanyang nakangiting mukha. Nakikipag-usap ito sa ibang kalalakihan.

******

BROKEN STRINGS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon