BS #38: CHASING HAPPINESS

193K 4.6K 522
                                    

BS #38: CHASING HAPPINESS

*********

MELISSA QUIZON

One year later..

"Reid, come back here." Tawag ko kay Reid nang makita ito na nasa labas na naman ng resort house.

"Just a second, Mom." Sabi nito habang nakatingala. Pinapalipad na naman kasi nito ang plane na bigay sa kanya ni Wright noon.

Nandito kami sa isang sikat ng resort dahil may a-attend-an akong meeting. Buti naman at bakasyon ni Reid kaya naisama ko siya.

"Ma'am, may three minutes pa po kayo bago magsimula ang meeting." Nakuha ng sekretarya ko ang aking atensyon.

"Thank you, Miss Clara."

Pagkasabi ko n'un sa kanya ay lumabas na ito. Pinuntahan ko sa labas si Reid at tumalungko para mayakap ito.

"Ikaw talaga. Tumitigas na ang ulo mo."

"Maganda kasi yung view dito, Mommy. Ang sarap magpalipad ng airplane." Sabi nito habang ginagalaw ang controller.

May kataasan kasi ang pwesto namin at makikita mo ang napakagandang scenery ng lugar.

"Mas mahal mo pa ata ang airplane mo kaysa sa akin." Nagtatampo kong sabi.

"Mommy naman." Mabilis nitong pinalipad ang plane papunta sa amin at nang mahawakan ay pinatay na rin niya ang controller.

Niyakap niya ako pabalik at hinalikan sa pisngi. Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob ng resort house.

Napatingin kami kay Fritzie na humahangos papasok sa loob. Halatang nagmamadali ito.

"Melissa, you're five minutes late. This meeting is important." She snapped.

"Not as important as my son, Fritzie." Pinisil ko ang kamay ni Reid.

Huminga ng malalim si Fritzie at hinilot ang sentido. "Fine. Fine. We need to hurry now."

"Reid, stay in this room, okay? I'll come back after an hour." Tumalungko ako sa harap nito para magpantay ang mata namin. "If you need anything, just ask Miss Clara, ok?"

"Yes, Mommy." Tumango nito. "Can I play my PSP? Can I? Can I? Can I, Mommy?"

Tumawa ako ng mahina at hinaplos ang kanyang malambot na buhok. "Of course you can."

"Yiipee!" Tumakbo na ito papunta sa kanyang kwarto.

Tumayo ako at hinarap si Clara. Mabait ito at alam kong hindi niya mamaltratuhin si Reid habang wala ako. "Huwag mo siyang papabayaan."

BROKEN STRINGS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon