BS #16: KWARTO NIYA

362K 5.2K 1.2K
                                    

 BS #16: KWARTO NIYA

********

MELISSA QUIZON

Mabilis na dumating ang Huwebes. Ito ang unang araw ko sa bago kong trabaho. Hindi pa rin alam ni Reid ang tungkol sa bago kong trabaho. Ayokong magsinungaling pero mas maganda nang ilihim iyon sa anak ko. Baka maisipan niyang magtanong tungkol kay Wright at wala akong maisagot. Alam ni Eugene ang tungkol sa bagong trabaho ko. Kung kinailangan ko daw siya, pupunta agad ito.

"Susunduin kita mamaya, ha. Intayin mo si Mommy." Malambing kong sabi kay Reid.

"Opo." Tumango ito at hinalikan ako sa pisngi bago pumasok sa gate ng school niya.

Tumigil ito sa paglalakad at humarap uli sa akin. Kumaway siya at kumaway din ako bago siya tuluyang pumasok.

Pumara ako ng taxi para puntahan ang binigay na address ni Wright. Hinanda ko na ang sarili ko sa paghaharap namin. Hindi ako dapat magpadaig sa nararamdaman ko.

Oo, Mahal ko pa siya. Pero hindi ko na siya kayang makasama pa. Mas mahal ko na ang anak ko ngayon. Sa kanya na umiikot ang mundo ko.

Naputol ang pag-iisip ko nang huminto na ang taxi sa harap ng malaking bahay na nahaharangan ng malalaking gate. Iniabot ko ang bayad ko sa driver bago bumaba ng taxi. Lumunok ako ng maraming beses bago pindutin ang doorbell.

Humigpit ang hawak ko sa strap ng bag na nakasabit sa aking balikat nang may lumabas na katulong.

"Sino po sila?" Magalang na tanong nito.

Pasalita na sana ako ngunit agad ring naumid ang dila ko nang bumukas ang pinto ng bahay at lumabas si Wright. Nakaputing V-neck shirt at naka-khaki short lang ito.

"Manang Flora.." Sinulyapan niya ako at binalik din agad sa katulong ang tingin. "Ako na po."

Tumalikod si Manang Flora at pumasok na sa loob. Napalunok ako nang lumapit na sa gate si Wright.

Those eyes held me in such a trance I felt dizzy. My body became alert like it had been called by its owner. My senses were heightened and my entire body prickled. Even from a distance, I knew his eyes were unique. He was tall, broad, but even with his gray cashmere sweater, his muscles were evident.

Nakangiting binuksan nito ang gate. "Pasok ka."

"Salamat." Tipid kong sabi at humakbang na papasok sa gate. Naglakad ako papunta sa pinto ng bahay niya ngunit napatigil ako ng maramdamang nag-slide ang kamay nito sa bewang ko.

Matalim ko siyang tiningnan at inalis ang braso nitong nakaalalay sa akin. "I don't need your assistance, Mister Agoncillo. I can perfectly walk without your hand supporting my back."

Kinagat nito ang ibabang labi. Tinitigan niya ako. Sa sobrang intensidad ng titig nito ay ako na ang unang nag-iwas. Umismid ako at nauna na sa kanyang maglakad.

I don't want to be rude. Especially to my employers. But, he's different. He's pushing all my buttons. Gusto kong ipakita na hindi na ako apektado pa sa kanya.

"Tito! What took you so long?" Napalingon ako kay Bobbie. Tumatakbo ito palapit sa amin. Nang makita niya ako ay agad siyang napatigil. Humigpit ang yakap nito sa teddybear na dala.

Binigyan ko ito ng matamis na ngiti. "Hi, Bobbie. Remember me?"

Nakita ko ang pag-aalangan sa mukha nito. Marahan itong tumango at nagtago sa likod ng hita ni Wright.

Humarap si Wright kay Bobbie at yumuko. Binuhat nito ang bata na agad namang sumiksik sa leeg nito.

"Tara na sa loob." Aya ni Wright sa akin at nauna ng pumasok sa magarang pintuan.

BROKEN STRINGS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon