BROKEN STRING (EPILOGUE)

262K 4.8K 366
                                    

MELISSA QUIZON

Lumabas ako ng kotse. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya dahil baka kapag pumikit ako ay mawala ito sa paningin ko. Ito na ba ang kilalang si Wright Agoncillo? Ang dating hindi kayang mamuhay ng wala ang mga katulong niya, ang dating hindi sanay mag-jeep dahil sa dami ng kanyang kotse. Hindi na siya ang dating Wright na hindi kayang magtagal sa ilalim ng init ng araw at magkapawis. Kilalang-kilala ang apleyido niya dahil sa dami ng kumpanya nila pero heto siya at nagbibilad ng palay, nagbabatak ng buto, marumi ang mga damit, at basa ang damit sa pawis.

Nagbago na nga siya.

Parang may humaplos sa puso ko nang mapansin ang pagod sa mukha nito. Nakita ako ng kasama nito at may sinabi kay Wright.

Lumundag ang puso ko nang unti-unti itong lumingon sa akin.

"Melissa!" Tumakbo ito papalapit sa amin. Hindi ko na mapigilan ang aking sarili kaya sinalubong ko na siya. Niyakap niya ako sa bewang at ipinalupot ko ang aking braso sa kayang leeg.

"I finally found you." Nag-init ang sulok ng mata ko.

Hinarap niya ako sa kanya. "You mean.."

Tumango ako. Tumulo ang luha sa aking mata. "I searched half of the world just to find you."

"Bakit mo ako pinahanap?"

"I want to see you and I want to apologize to you." Lumunok ako para mawala ang bara sa aking lalamunan. "Wright, I'm sorry. Sorry kasi naghiganti ako sayo. I wanted you to feel how hurt I was. I wanted you to know how to be thrown away and treat like you don't exist. I'm sorry for not appreciating the things you sacrificed for me. I'm sorry I became so heartless and selfish. Natakot lang ako. Natakot lang ako na baka masanay ako na kasama kita at iiwan mo na naman kami na parang wala lang sayo ang lahat. Nilayuan kita kasi iniiwasan kong masaktan ulit, pero hindi ko alam na mas sobrang nasasaktan pala ako kapag tinutulak kita palayo."

Niyakap niya ako ng mahigpit. Naramdaman kong hinalikan niya ang buhok ko. "Enough now, Baby. Stop crying."

"I can finally tell you my real feelings." Tiningala ko siya kahit na nanlalabo ang aking mata dahil sa luha. "I've always loved you, Wright. Always."

Pinagdikit niya ang noo naming dalawa. "I never stopped loving you, Melissa."

***

"Napagod ka ba?" Nag-aalala kong tanong kay Wright pagkatapos nitong hubarin ang pantaas at itira ang itim na boxer nito. Sinalok ko ng tabo ang timbang may tubig at ibinuhos iyon sa ulo ni Wright.

Ngumiti ito sa akin pagkatapos alisin ang tubig na kanyang mukha. "Hindi naman. Masakit lang ang likod ko."

Gabing-gabi na kasi nang matapos silang magsilong ng palay. Pinagpahinga ko na muna siya bago siya maligo. Nasa labas kami ng kanyang kubo at nakaupo sa tapat ng poso. Tanging duster lang na ipinahiram ng asawa ni Mang Hermino ang suot ko habang pinapaliguan si Wright. Payapa namang natutulog si Reid sa loob ng kubo ni Wright, hindi na kasi nito kinaya ang pagod sa biyahe namin.

Mataman niya akong tinitigan. Kinuha ko ang sabon pero agad ding inagaw iyon ni Wright sa kamay ko. "Na-uh. I can do this. Mahirap na baka.."

"Baka?"

"Melissa, come on." He sound pissed.

"Why do you look so pissed off?"

"I'm not pissed, I'm frustrated."

"W-Why?" I asked.

He bit back a groan. "Because I really want to kiss you right now."

Kinagat ko ang aking ibabang labi. "I won't mind."

He sighed. "Hintayin mo nalang ako sa duyan na 'yon. I think it is not appropriate to kiss you now that I'm half naked."

Tiningnan ko ang duyan na nasa may puno ng mangga hindi kalayuan sa poso na kinalalagyan namin.

"B-But-"

Huminga ako ng malalim at ibinaba ang tabo sa timba. Umupo ako sa duyan at tiningnan si Wright na nakatitig rin sa akin.

May kislap sa mga mata nito. "Now, turn around and stop watching while I'm taking a bath."

Seriously? He's conservative now?!

Nagdadabog akong lumipat sa kabilang side ng duyan at umupo patalikod sa kanya. Nakarinig ako ng lagaslas ng tubig. Pinilit kong huwag tumingin sa likod dahil paniguradong kakantiyawan niya ako na naninilip sa kanya.

Naagaw ng atensyon ko ang isang kumikislap na ilaw sa di-kalayuan.

"Alitaptap!" Masaya kong sabi. Dumami ang mga iyon at halos mapalibutan ako at ang punong mangga. Humiga ako sa duyan at pinagmasdan ang mga iyon. Para silang bituin na gumagalaw sa paligid. Nakaka-relax silang pagmasdan.

"Enjoying yourself?" Napatingin ako sa may paanan ko at nakita si Wright na bihis na bihis. Nakasuot ito ng putting v-neck at short na hanggang tuhod. Mas lalong lumaki ang katawan nito dahil na rin siguro sa uri ng kanyang trabaho.

Umusog ako ng kaunti para magkapwesto ito sa tabi ko. Humiga siya at umunan ako sa kanyang braso. Walang nagsasalita sa aming dalawa, pinagmasdan lang namin ang mga alitaptap sa paligid.

"Gusto mo bang masahihin ko ang likod mo?" Tanong ko.

"I'm alright." Paos nitong sabi.

"You did all of these for me?" Ang tinutukoy ko ay ang pagtatrabaho niya sa sakahan at palaisdaan.

"Yeah. Mahirap sa una pero sanayan lang talaga. Nag-enjoy din ako." Mas sumiksik ako sa katawan nito. I really missed him. Naramdaman kong inamoy nito ang aking buhok.

"I missed smelling your hair." He murmured.

Bumangon ako ng kaunti at humarap sa kanya. Ang kalahati ng katawan ko ang nasa ibabaw niya. Gumala ang aking mata sa maamong mukha nito. Hindi ko mapigilang hindi iyon haplusin.

"Mahal na mahal kita." Mahina kong sabi at bago pumikit at halikan ito sa labi.

Ramdam ko ang kanyang ngiti sa pagitan ng aming labi. Marahan lang ang halik, ninanamnam namin ang bawat sandali. Umakyat ang isang kamay nito sa aking batok at ang isa naman ay nasa aking bewang. Lumayo ako ngunit agad din nitong hinabol ang aking labi.

"We need to stop. Baka maiskandalo natin ang buong barangay niyo." Malambing kong sabi. I stared at him and he stared back at me. "Have you forgave me for having a pride na mas mataas pa sa Eiffel Tower? And for building a great wall between us because I'm a coward? And for hurting you so much? And for wasting all your effort?And for pushing you away like a stray sick dog?"

"It doesn't matter, Baby. What matters most is you're here, Reid's here. You still love me. And I'm incredibly happy." Maalab na sabi nito habang hinahaplos ang aking pisngi.

Humilig ako sa matipunong dibdib niya. "Promise not leave me again, Wright."

"Promise me that after this, you'll marry me."

Napamaang ako sa sinabi niya. "What? No ring?"

Tumawa ito ng mahina. "Oh, I'm sorry. You're going to marry a poor, poor man, my lady. I do fishing and farming for a living. I don't have money to buy a diamond ring-"

"Ikaw lang sapat na." Putol ko sa sinabi niya.

Kumunot ang noo ko nang tumawa ito ng malakas. "Pang-jejemon naman ang sagot mo!"

He stopped laughing when my two warm hands cupped his chin and yanked his head up, and then my mouth collided with his in a hard, reckless kiss.

---

HAVE A MERRY CHRISTMAS, SWEETIES.

BROKEN STRINGS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon