BS #9: AKO, SI REID AT SI JOLLIBEE

392K 5.5K 1.5K
                                    

BS #9: AKO, SI REID AT SI JOLLIBEE

*********
MELISSA QUIZON

"Reid.." Patuloy kong hinahimas ang likod ng anak ko habang umiiyak ito sa balikat ko.

Hindi niya kasi matanggap na natalo siya. Hanggang sa makarating kami dito sa bahay ay patuloy pa rin ang pag-iyak niya. Bilang kanyang ina, ramdam na ramdam ko ang kalungkutan ng anak ko. Umupo kami sa sofa at dahil karga ko siya, napunta siya sa kandungan ko.

Hindi ko rin alam kung bakit natalo si Reid, pero hindi ko masabi sa kanya na magaling din talaga yung nanalo, dahil alam kong mas sasama ang loob niya.

"I'm a loser!" Sabi nito sa pagitan ng hikbi.

"Look at me, Baby." Malambing kong sabi dito. Sinunod naman niya ako. Pinunasan ko ang luha na nasa mata at pisngi niya. Saka ito binigyan ng marahang halik sa pisngi. "Ayos lang matalo, atleast may napasaya kang tao dahil nanalo siya. Dapat pa nga siya ang maging malungkot, dahil marami siya napaiyak."

Suminghot ito. "Talaga?"

Pinisil ko ang tungki ng ilong nito. "Yes, baby. Atsaka nandito si Mommy, nagandahan ako sa tugtog mo."

YUmakap ulit ito sa akin at ibinaon ang mukha sa leeg ko. "I love you, Mom. Mas gagalingan ko nalang po next time."

Tumango ako. I start humming para makatulog si Reid. Alam kong puyat at pagod siya, kailangan niyang magpahinga para hindi siya magkasakit. Habang ginagawa ko iyon ay hindi maalis sa isipan ko ang nangyari kanina.


The first thing I noticed was his stature. His body became more magnificent, power evident in his corded muscles. He has on dark jeans that fit his lean frame perfectly – slouching a bit on his hips but held in place by a worn leather belt. His Sleeve Polo is black and plain. His hair was unruly and rumpled like he’d been in a fight with his comb. I have the urge to brush the strands out of his face. Or use it to tug him in to kiss me.

WAIT! Where did that thought come from?

I mean.. Gusto kong hilahin yung buhok niya para sabunutan!

Akala niya siguro hindi ko napapansin ang pagsilip niya sa pinto ng backstage na kinaroroonan ko, nagtago ako para hindi niya makita. Ayokong magpakita sa kanya. Laking pasasalamat ko na rin na hindi nanalo si Reid kasi kung nanalo siya, masisira ang lahat ng plano ko. Hindi ko gustong ipagkait kay Reid ang ama niya. Kapag nasa tamang edad na siya,ipapaliwanag ko sa kanya ang lahat.

Sumandal ako at saka tumingala. Pumikit ako. Ayoko na uling maalala ang sakit na dinulot ni Wright. Ayoko na uling makita siya. Ayoko ng masaktan.

Kinabukasan ay ayos na ang pakiramdam ni Reid. Nakakangiti na uli ito na parang walang nangyari. Hinatid ko na siya sa eskwelahan niya bago ako pumasok sa trabaho ko. Whole day ang pasok ko ngayon kaya ipinagluto ko na ng lunch si Reid.

"Ikaw na ang bahala sa anak ko, Ms. Quizon." Nakangiting sabi ni Mr. Cruz. Ang ama ng isa sa mga estudyante ko, si Cynthia. Araw-araw initong inihahatid ang anak at binibilin sa akin. Lumuhod ito at inilagay ang dalawang kamay sa balikat ni Cynthia. "Be a good girl, Cynthia."

Hinalikan nito sa noo ang anak bago umalis.

"Tara na, Cynthia. Magsisimula na ang klase." Tinangka kong hawakan ang kamay nito pero agad din niya iyong binawi.

"I don't like you." Madiing sabi nito bago pumasok sa classroom. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa makaupo ito sa tabi ng pinsan niya.

BROKEN STRINGS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon