BS #31: WALA NA SIYA

177K 4.4K 551
                                    

BS #31: WALA NA SIYA

***********

S/N: Short UD

MELISSA QUIZON

Hindi ko na hinintay pang ihatid ako ni Wright. Mas nauna akong gumising at nagpatawag nalang ng taxi. Alam kong hahanapin ako ni Reid pero bahala na si Wright na magpaliwanag sa kanya. Hindi ako dumiretso ng paaralan. Bagkus ay pumunta ako sa ospital na pag-aari ni Eugene.

Nagbabaka-sakali ako na madadatnan ko siya doon. Gusto ko siyang kausapin. Gusto kong pagaanin niya ang kalooban ko. Kailangan ko itong ilabas, kasi kung hindi, sasabog na ako.

Pumasok ako sa ospital at nagpunta sa reception area.

Nginitian ko ang nurse na in-charge. “Good morning. Is Doc Eugene here?”

Nagtinginan ang dalawang babae at pagkatapos ay tumingin sa akin. “Sorry po, Miss. Wala na po si Doc Eugene. Umalis na po.”

Tumango ako. “Ah. Kailan siya mag-du-duty?”

Kinabahan ako nang umiling ang babae. “Umalis na po siya ng bansa. Nasa London na po si Doc.”

A-Ano daw?

Nanikip ang aking dibdib. “A-Ano?”

“Umalis na po siya. Kaninang alauna po ng madaling araw ang flight niya.” Magalang na saad ng katabi nitong nurse din.

Nanginig ang mga tuhod ko. Tinulungan nila akong maupo at binigyan ng tubig. Nanlabo ang mata ko dahil sa luha. Wala na siya. Iniwan na niya ako. Wala man lang siyang pasabi. Pero hindi pa naman tapos ang pitong araw, ha.

Hindi man lang siya nagpaalam ng maayos.

Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi niya kagabi. 'May mga pangayayari sa buhay na kahit gusto mong mangyari, hindi naman pwede. Magpakatatag ka, Melissa. Hindi kita iiwan. Mel, lagi mong iisipin na hindi kita iiwan, ha. Mahal na mahal kita.'

Kaya pala. Kaya parang may napansin akong kakaiba sa tono niya.

Lumapit sa akin ang isang pamilyar na babae. Ito ang secretary ni Eugene. “Miss Melissa?”

“O-Oo.” Sabi ko sa pagitan ng mga hikbi.

Inilahat nito sa aking harap ang maayos na nakatiklop ng papel. “Pinabibigay po ni Doc Eugene bago siya umalis kanina.”

Nanginginig ang aking kamay nang tanggapin ko iyon. Dahan-dahan ko iyong binuklat.

------------

‘Cause it’s time to leave my feelings behind. Your happiness is in here. Deal with it.

 You still have my heart. Always. Forever. I love you. 

Goodbye.

Loving you,

Eugene Fuertes

------------

Natulala ako sa sulat. Walang hikbing lumalabas sa bibig ko ngunit patuloy na umaagos ang aking luha. Wala iyong tigil. Patak lang iyon ng patak.

Abot ang asikaso sa akin ng dalawang nurse ngunit mukhang nagsara na ang isip ko. Hindi ko na sila marinig. Hindi ko na sila maintindihan.

Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin na iniwan na rin ako ng taong umiintidi sa akin. Wala na 'yung taong tumutulong sa akin kapag nadadapa ako.

Nang humupa ang nararamdaman ko, hindi ko namalayan na dinadala na pala ako ng aking mga paa sa puntod ni Nanay, Tatay at Lola.

Sinindihan ko ang tig-iisang kandila sa putod nila.

“Nanay, Tatay, Lola, kamusta na kayo? Masaya ba dyan? Sabi ng marami, wala daw sakit at paghihirap kung nasaan man kayo ngayon.” Kausap ko sa kanila.

Hawak ko ang sulat ni Eugene. Hindi koi yon binibitiwan. “Tingnan niyo ko ngayon. Iniwan na naman ako ng mahalagang tao sa buhay ko. Iyon ba talaga ang purpose ko dito sa mundo? Ang iwanan ng lahat? Ang sakit kasi e. Kung hindi dahil kay Reid, malamang nasa tabi niyo na rin ako ngayon.”

“Sana, Nanay, nandito ka. Para naman may kanlungan ako. May tutulong sa aking mag-alaga kay Reid. May magsasabi sa akin kung ano ang dapat kong gawin kasi unang beses kong magka-baby. Sana, Tatay, nandito ka. Para naman may tagapagtanggol ako kapag may nananakit sa akin.” Nanginig ang aking boses.  “Sana may bumugbog kay Wright noon kasi ginago niya ako. Idol mo naman si FPJ, 'diba? Sana nandito kayo.”

Mukhang nakikisama ang panahon sa aking pagdadalamhati. Kasabay ng pagpatak ng aking luha ay siya ring pagbuhos ng malakas na ulan. Tumayo ako ngunit hindi pa rin ako umaalis sa pwesto ko. Dinama ko ang malamig na buhos ng ulan sa aking balat.

Hindi ko alam kung ilang oras o minuto akong umiiyak. Wala na akong pakielam kung bukas ay magkasakit na ako. Gusto ko lang tangayin na ng ulan ang bigat na aking nadarama.

Napadilat ako nang hindi ko na maramdaman ang patak ng ulan sa aking mukha. Isang pares na nagpupuyos na mga mata ang nabungaran ko sa aking pagdilat.

"What the heck are you doing?!" Sabi nito habang hawak ang payong. "Gusto mo bang magkasakit?!"

"Wright.."

=========

UNEDITED.

SWEETIES, wanna see my face?! I just created a GROUP in Facebook. Just click the External link. 

Follow me on Instagram. @IamSweetKitKat.

Ayan magpapakilala na ako sa inyo. Gumawa pa ako ng kung ano-anong account para naman makita niyo akong lahat. :) Mahiyain kasi ako kaya, ayun. TWITTER nalang ang wala ako. :)

UPLOADED: NOVEMBER 25, 2014

SK<3

BROKEN STRINGS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon