BS #40: MY GIFT

207K 4.3K 517
                                    

DUE TO INSISTED PUBLIC DEMAND

*******

WRIGHT AGONCILLO

"Mukhang marami tayo naani ngayon, a?" Tanong sa akin ni Mang Heronimo habang inaayos ang kanyang sombrero.

"Isang daang kaban, Mang Heronimo."

Pinunasan ko ang pawis na tumatagaktak sa aking mukha.

"Hindi na rin masama." Hinawakan ng matanda ang aking balikat. "Magpahinga ka na, hijo. Hanggang gabi tayong nag-ani at bukas ay magbibilad naman tayo ng mga palay."

Huminga ako ng malalim. "Salamat po, Mang Heronimo."

Umalis na ang matanda at pumasok na rin ako sa sarili kong kubo. Nang makapagpahinga na ako, hinubad ko ang aking damit at lumabas para maligo sa poso. Mabilis lang akong naligo dahil baka magkasakit ako.

Pagkatapos kong magbihis ay pumunta ako sa malapit na tindahan para bumili ng sardinas na ulam ko ngayong gabi. Binayaran ko iyon at umuwi na sa aking kubo. Kumain ako at pagkatapos ay nahiga sa papag.

"Napahinga rin." Bulong ko sa aking sarili.

Tumingin ako sa kawayang dingding at napangiti nang makita ang litrato ng aking mag-ina. Dumaan na naman ang isang araw na hindi ko kayo kasama. I miss them so damn much. Isang taon na rin pala simula n'ung iniwan ko sila at piliin na pumunta sa hindi kilalang probinsya dito sa visayas para patunayan sa kanila na kaya ko ng mabuhay na wala ang karangyaan.

Naalimpungatan ako nang kumakalabog ang pinto ng aking kubo. Ilang oras palang ang tulog ko. "Wright! Gising na!"

Kahit na masakit ang likod ko ay umangon parin ako at binuksan ang pinto. "Pucha, Yulo! Ang aga pa."

"Araw ng pangingisda natin ngayon. Nakalimutan mo na ba?"

"Ah, shit." Tanging nasabi ko at minasahe ang kumikirot kong balikat.

"Tara na. Mauubusan tayo ng huli." Maawtoridad na sabi nito at tumalikod sa akin.

"Mukhang puyat na puyat ka, a. Sino ang kinana mo kagabi?" Natatawang sabi ni Yulo sa akin nang nasa bangka na kami.

Binatukan ko ito. "Gago. Ginabi kami ni Mang Heronimo kakaani ng palay. At mamaya naman, mag-bibilad kami."

"Madami namang tauhan si Mang Heronimo. Pwede ka namang huwag na magbilad at magpahinga nalang."

"Sayang din ang kikitain ko doon." Sabi ko at itinapon ang fishnet sa dagat.

"Sino ba kasi ang tinatakbuhan mo? Nasa Maynila ka na, pumunta ka pa dito sa probinsya."

"Wala akong tinakbuhan."

Si Mang Heronimo ang nagturo sa akin kung paano ang kalakaran sa bukid at si Yulo naman ang nagturo sa akin kung paano mangisda. Kapwa ko sila nakilala noong naligaw ako sa paghahanap ng matitirhan. Ipinahiram sa akin ni Mang Heronimo ang kubo na dati niyang tinirhan. May kaya ito sa buhay kaya nakapagpatayo siya ng bahay na bato.

Pagkatapos kong samahan si Yulo sa pangingisda at dalin iyon sa palengke ay pumunta naman ako kay Mang Heronimo. Saktong papaalis palang ang jeep nito na may lamang kaban ng palay na ibibilad.

"Mabuti naman at nakaabot ka, hijo." Pinatay nito ang makina at bumaba sa jeep nang makita ako.

"Pasensya na po. Sinamahan ko pa po si Yulo na mangisda." Hingal kong sabi.

"Namumutla ka. Nag-almusal ka na ba, anak?" Palibhasa'y hindi sila magkaanak ng kanyang misis kaya tinatrato niya ako na kanyang anak. "Tara sa loob at kumain ka na muna. Grasya! Ipaghain mo nga si Wright ng almusal."

"Pero Mang Heronimo, mahuhuli na tayo sa pagbibilad."

Hindi nito pinakinggan ang hinaing ko at ipinilit na dapat muna akong kumain. Pagkatapos kong mag-almusal ay sumakay na kami sa jeep at pumunta sa isang basketball court para roon magbilad. Binuhat ko ang mga mabibigat na kaban mula sa jeep ni Mang Heronimo. Tatlo kaming nagtutulong para mailabas ang mga kaban at maibilad.

Nasanay na ang katawan ko sa kati na dala ng palay. Nasanay na ang katawan ko sa init ng araw. Lahat na ata ng hirap napagdaanan ko na sa loob lang isang taon. Pumunta ako sa isang tindahan at bumili ng ice tubig. Narinig ko ang impit na tili ng dalawang babae sa gilid.

"Hi." Bati ng isa sa akin.

Tinanguan ko lang ito at uminom ng tubig.

"Ay! Suplado." Nakangiti nitong sabi. "Hi, I'm Margarette."

"Wright." Walang gana kong sabi.

"Ikaw 'yung bagong salta dito, hindi ba? Usap-usapan ka ng lahat ng kababaihan. Ang gwapo mo kasi."

"Ah."

"May palabas mamaya sa plaza, gusto mo bang sumama sa amin pagkatapos mong magbilad ng palay?" Nang-aakit nitong sabi.

"Hindi, salamat nalang."

"Ang sungit mo naman! Ako na nga ang lumalapit sayo-"

"May asawa at anak na ako." Pagkatapos kong sabihin iyon ay bumalik na ako sa pagbibilad ng palay.

Hindi ko na kayang magmahal ng ibang babae bukod kay Melissa. Siya lang at wala ng tatalo pa. I love that woman, dearly.

Pinunasan ko ang aking pawis at umupo sa lilim ng akasya.

"Nakakatuwa ka, Hijo. Napakatiyaga mo." Napatingin ako kay mang Heronimo.

"Kailangan. Kung hindi magtitiyaga, walang kakainin." Natatawa kong sabi.

"Maswerte ang babaeng mamahalin mo."

Ngumiti lang ako ng tipid sa kanya. Bumalik ulit kami sa pagbibilad dahil mukhang uulan na.

"Mukhang may naligaw na taga-siyudad, ah. Gusto atang magtanong." Napatingin ako kay Mang Heronimo.

Nakatingin ito sa may likuran ko at tila inaaninag kung sino ang naroon.

***

SWEETKITKAT.

BROKEN STRINGS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon