BS #10: THE ONE WHO LEFT BEHIND

401K 5.2K 895
                                    

BS #10: THE ONE WHO LEFT BEHIND

*******

MELISSA QUIZON

Seryoso ang mukha nito. "Tell me, yung bata sa litrato, siya ba ang anak ko?"

Nagpanting ang tenga ko sa sinabi nito. Malakas kong hinaklit ang braso ko na hawak nito. Nang mabawi ko na ang braso ko ay tuluyan na akong humarap dito. Seryoso itong nakatingin sa akin, walang bahid pagsisisi sa mga mata nito.

"Wait? Anak mo?" Kunot-noo kong sabi. Ibinaba ko yung hawak kong picture frame sa pinakamalapit na table sa akin at pagkatapos ay muli ko itong hinarap. "Hindi ba bumaligtad yung sikmura mo nung sinabi mo 'yun?"

Sinigurado kong mararamdaman niya ang insulto sa sinabi ko. Wala akong pakielam kahit na mainsulto siya. Bakit? Noon ba may pakielam siya sa amin?!

"Melissa.." Nagtangka itong lumapit sa akin ngunit agad ko siyang pinigilan.

"Hanggang diyan ka lang." Nahihirapan akong banggitin ang pangalan nito. Sa tingin ko kasi kapag binaggit ko iyon, paniguradong hindi na ako makakahinga. "Kapag lumapit ka, ihahampas ko lahat ng pwede kong ihampas sayo." Tumingin ako sa paligid at itinuro ang mga gamit. "Madami akong choice dito."

Tumigil ito at nagbuntong-hininga. Nag-igting ang panga nito. "Melissa, ang gusto ko lang naman malaman ay kung siya ba ang anak----" NO! Anak ko lang si Reid!

"'Wag mo ng ituloy." Hindi ko napigilang magtaas ng boses. BUmuntong hininga ako at nagbilang ng sampu bago ito malamig na tiningnan. "Alam mo, bilib ako sa kapal ng mukha mo. Ang kapal talaga. Mahihiya ang encyclopedia, o."

Tama 'yan, Melissa. Laban pa.

"Hindi mo na ako kailangan pang insultuhin, Melissa. Oo lang at hindi ang isasagot mo. Si Reid ba ang anak ko?!" Madiin at ma-awtoridad nitong sabi. Nag-init ang ulo ko sa tono ng boses nito. Ang kapal talaga ng mukha niya!

"Wala kang karapatang utusan ako! Nasa teritoryo kita, Wright!" This time sinadya ko ng lakasan ang boses ko. Ikinuyom ko ang mga kamay ko dahil gigil na gigil na ako sa walanghiyang lalaki na ito.

"Wala akong pakielam! Si Reid ba ang anak k----"

"Wala kang anak sa akin, Wright!" Hindi ko na ito pinatapos. Galit ko itong tiningnan. Bumabalik na mga masasakit na alaala na iniwan niya sa akin. Yung panahong iniwan niya ako sa ere, yung ginawa niyang pagloko sa akin, yung mga panahong ipinalalaglag niya ang anak namin. "Ipinalaglag mo, 'diba? Ipinalaglag mo dahil wala kang kwentang tao!"

Bumabalik na naman sa isip ko yung mga salitang binitawan niya sa akin. Shit! Ang sakit pa din!

Break na tayo.

Akin ba yan?

So, ano ang hinihingi mo ngayon? Pera? Pangtustos?

Hindi kita kayang panagutan. I'm sorry.

Ipalaglag mo yan.

Kung hindi mo iyan ipapalaglag. Hindi ko rin iyan pananagutan.

Ipalaglag mo iyan. Sagot ko ang lahat ng gastos. mas maliit ang gastos n'un kaysa magpalaki ng bata, Melissa. Your choice.

Napapikit ako dahil sa mga naalala ko. Ayoko na! Please! Ayoko ng maalala ang sakit na dinulot nito sa akin. Lumunok ako ng maraming beses para mapigilan ang luha na nagbabadyang lumabas sa mga mata ko. Dumilat akong muli, matapang kong sinalubong ang galit sa mga mata nito.

BROKEN STRINGS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon