BS #3: A NIGHT WITH HIM

413K 4.7K 1.1K
                                    

Warning: Medyo SPG!

*********

BS #3: A NIGHT WITH HIM

*********

MELISSA QUIZON

"Hello, Aunt Linda!" masayang bati ni Wright pagkapasok namin sa isang mamahaling boutique. Pagkatapos ng last subject ko ay agad na nya akong dinala rito. Lumingon ang isang may-edad na babae, ngumisi ito.

"Oh, hello, Wright! Happy Birthday to my favorite, Nephew!" sabi nito.

"Are you kidding me? I'm your only nephew, Auntie." Natatawang sabi ni Wright.

Masayang nagbatian ang dalawa. Kaarawan ngayon ni Wright, Twenty-One na sya, at 5th Monthsary rin namin ngayon. Magkakaroon ng isang magarbong selebrasyon sa La Mencion De Agoncillo. Lahat ng mayayamang negosyante at kamag-anak nila ay pupunta roon kaya sobrang kabado ako dahil ipapakilala na nya ako ngayon sa mga magulang niya.

Alam ko rin na maraming mamahaling regalo ang matatanggap nya kaya nag-isip ako ng regalong siguradong mapapahalagahan nya. Ang sarili ko. May tiwala ako kay Wright at alam kong mahal nya ako. Hinding-hindi nya sasayangin ang bagay na mahalaga para sakin. Mahal na mahal ko si Wright, ibibigay ko sa kanya lahat ng maaari kong ibigay.

Nawala ako sa malalim na pag-iisip nang may kamay na dumantay sa balikat ko. "Oh, by the way, Auntie, this is Melissa, my girlfriend."

"Good Afternoon po." masayang bati ko rito.

Nanlaki ang mga mata ng tiya nito. "G-Girlfriend?! B-Bu---- Does your mother know about this?"

"Ipapakilala ko palang sya mamayang gabi, Auntie. Kaya nga kami nandito para pumili ng maisusuot ni Melissa para sa party mamaya."

Bakit parang biglang kinabahan si Aunt Linda sa sinabi ni Wright?

"Hindi ko alam kung ano ang nasa utak mo, Wright." Huminga ng malalim si Aunt Linda at pumikit. Nang dumilat ito ay may ngiti na sa labi nito. "Oh, well. Let's see what I can do for you, Young Lady."

Dinala ako ni Aunt Linda sa may fitting room. Binuksan ng isang babae, hinala ko ay nya empleyada nito, bago ako pumasok ay lumingon muna ako kay Auntie na matamang nakatingin sa akin. Alanganin akong ngumiti dito.

"A-Ahm.. P-Pwede po bang yung medyo mura lang? Baka kasi 'di ko mabayaran." Kinakabahan kong sabi. Ayoko kasing sabihan ng mga tao na gold digger o social climber ako.

"You're funny, Hija. Hindi ito ukay-ukay para tawagin mong mura. Lahat ng damit na nakikita mo sa boutique ko ay mamahalin at may kalidad. Ang iba rito ay pinagawa ko pa sa ibang bansa." Napayuko ako sa sinabi nito. Ang taray naman. Na-offend ata ito sa sinabi ko.

Nais ko sanang magpaliwanag rito at humingi ng paumanhin ngunit naramdaman kong may yumakap sa bewang ko. Nakilala agad ng katawan ko ang matipunong katawan ni Wright. "Melissa.. 'Wag ka ng mag-alala sa gastos. Ako ang bahala sa lahat."

BROKEN STRINGS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon