BS #19: NO WRIGHT, NO REID (2)

302K 5.1K 1K
                                    

BS #19: NO WRIGHT, NO REID (2)

----

Warning: POV style po ang story na ito. Hindi kasi ako sanay ng Pocketbook style. Thanks. :)

WRIGHT AGONCILLO

"Reid." Umalis si Melissa sa tabi ko at pumanta sa kinatatayuan ni Reid. Tumalungko ito at hinawakan ang anak namin sa balikat. "Baby, magpapaliwanag si Mommy."

"Siya po ang tatay ko?" Hikbi niya.

Walang nagawa si Melissa kundi ang tumango. Pinunasan niya ang luha sa pisngi ni Reid. Tumabi ako sa kanila at tumalungko rin sa harap ni Reid. Alam kong nasasaktan ko si Melissa. Pareho sila ni Reid.

Napatingin sa akin ang anak ko nang hawakan ko ang kamay nito at dalin iyon sa pisngi ko. "I'm sorry, Reid. Madami akong pagkukulang sa inyo. Pero, nandito na ako ngayon para sa inyo ng Mommy mo. You want a complete family, right?"

Sumulyap si Reid gawi ni Melissa. Mapupungay ang mga mata nito. "Mommy, natatandaan mo pa po ba yung promise ko sayo?" Pinunasan niya ang luha na tumakas sa mata ng ina. "Galit ako sa mga taong nagpaiyak at nanakit sayo. Poprotektahan kita, Mommy."

"Reid.." Does that mean na hindi niya ako tanggap?

"Uwi na tayo, Mommy." Hindi umabot sa mata nito ang ngiti. Tumayo si Melissa. Nakaramdam ako ng panic nang tumalikod sila sa akin.

Tumayo ako at humarang sa daraanan nila. "T-Teka.. Reid." Lumuhod ako sa harap niya. "Please, Son. I-I'm sorry I wasn't there while you grow up But, I-I'm here now. Your real father."

He stared at me blankly. Blank. Emotionless. None.

"R-Remember 'yung saying na 'No Wright, No Reid'?" I begged. If kailangan kong isuko ang pride ko para lang mapatawad nila ako, gagawin ko. I don't need it. "Anak.."

Lumunok ako para mawala ang bara sa aking lalamunan. Sinabi ni Melissa kay Reid na pumunta muna sa sala dahil may pag-uusapan lang kami. Nakitaan ko ito ng hesitasyon ngunit sumundo na rin.

Huminga ng malalim si Melissa bago ako harapin.

"Just.. Just give him.. us.. space, Wright."

Bumagsak ang balikat ko. "But.. Mel.."

"I'll.. I'll talk to him." Bulong nito."Naguguluhan pa siya ngayon. 'Di pa nya matanggap ang katotohanan."

Bakit galit sa akin si Reid? Alam ba niya ang nangyari sa amin ng Mommy niya?

"Does he know the reason why---" I asked nervously.

Umiling ito. "No. Ayokong masaktan siya. Don't worry ipapaliwanag ko sa kanya ang sitwasyon."

"Mommy!" Naiinip na sabi ni Reid. Gustong-gusto na talaga niyang umalis.

"Ihahatid ko na kayo." Alok ko.

"'Wag na po. Mag.. Mag-ta-taxi nalang po kami."

"Madalang ang taxi dito, Anak. Ihahatid ko na kayo." I insisted. Bumibilis ang tibok ng puso ko kapag binabanggit ko ang salitang 'anak'.

Hinawakan ni Melissa ang buhok ni Reid at ginulo. "It's alright, Reid. Give your father a chance. Will you?"

Sapat na sa akin na pumayag ang anak ko na ihatid sila. Alam kong kailangan nila ng time para ma-absorb ang mga nangyayari pero hindi ko na kasi kayang malayo sa kanila, e.

Nakasakay si Melissa at Reid sa passenger seat. Nakakandong si Reid kay Melissa at tahinik na nagmamasid sa labas. Kung kanina ay energetic itong nakikipag-usap sa akin, ngayon ay daig pa niya ang yelo sa lamig.

BROKEN STRINGS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon