BS #11: CHERRYPOP

389K 5.4K 875
                                    

BS #11: CHERRYPOP

******

MELISSA QUIZON

Pag-alis ko sa ospital nila Eugene ay dumiretso na agad ako sa Eskwelahan ni Reid. Alas-kwatro na kasi at uwian na niya iyon. Naging mas aktibo ako sa paligid ko. Kinakabahan ako kapag may sumusunod na sasakyan sa tricycle na sinasakyan ko. Mas lalo akong kinakabahan kapag naiisip ko na si Wright ang nagmamay-ari ng sasakyang iyon. Nagbayad ako kay manong bago bumaba ng tricycle niya. Pagkatapos ay naglakad na ako palapit sa may entrance gate. Bawal pumasok ang mga magulang doon kaya may nagbabantay na mga gwardiya. Maganda talaga ang napili kong eskwelahan sa anak ko, hindi ako nag-aalala pagdating sa seguridad. Binuksan ko ang payong ko dahil mainit pa rin ang panahon.

"Mommy!" Napatingin ako sa may gate. Kasabay ni Reid ang ilang mga estudyante na naglalabasan. Pumunta ito sa gwardiya at itinuro ako, agad naman siyang pinalabas. Lumuhod ako para magpantay kami. Tumakbo ito palapit sa akin habang hila-hila ang bag. Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa pisngi.

Parang gumaan ang pakiramdam ko nang mayakap ko ang anak ko. Nakahinga ako ng maluwag nang maramdaman kong muli ang maliliit na bisig nito na nakapalupot sa aking leeg. Alam kong hindi siya sumasama sa mga taong hindi niya kilala pero naroon pa rin ang kaba sa aking dibdib.

"Hi, baby ko." Inilabas ko ang bimpo sa bag ko at saka pinunasan ang pawisang noo nito. "Kamusta?"

Pinakita nito sa akin ang braso na punong-puno ng star. Ginulo ko ang buhok nito. Matalino talaga ang anak ko.

"May family day daw po kami sa friday, Mommy." Masayang sabi nito. Kinuha niya ang bimpo sa kamay ko at ako naman ang pinunasan niya ng pawis sa noo. "Uh, Mommy, okay lang naman na tayong dalawa lang 'diba? Okay lang naman kahit wala akong Daddy basta lagi kitang kasama saka si Tito Eugene."

Tinitigan ko ito. Mali ba ang naging desisyon kong 'wag ipaalam sa kanya ang totoong ama niya? Hindi ko ba nabuo ang pagkatao niya? Mali ba ako kung gusto ko lang naman ay protektahan ang anak ko sa sakit na maaaring idulot sa kanya ng tatay niya. Alam ko, dadating ang panahon na hahanapin niya ang tunay na tatay niya pero hindi ko alam kung aan ako hahanap ng salita na hindi siya masasaktan dahil gusto siyang ipalaglag ng tatay niya.

"Reid.." Huminga ako ng malalim at malungkot na ngumiti. "'Di ka ba naiinggit sa mga kaklase mo na may Daddy?"

Umiling ito. "Ayoko kung ang kapalit n'un ay lagi mong pag-iyak, 'My."

Niyakap ko siya ng mahigpit para hindi niya makita ang pagtulo ng luha ko. "Ang sweet ng baby ko."

Pinunasan ko muna ang luha ko bago ito hinarap muli. Pinagtama ko ang mga ilong namin bago tumayo. Ako na ang humatak sa bag nito. Humanap kami ng tricycle. Ngayong kasama ko si Reid ay mas lalong dumoble ang kaba ko na baka magpakita si Wright at kunin ang anak ko sa akin. Dinala ko si Reid sa Jolibee at nag-takeout ng chicken Joy. Reward niya iyon dahil naging magaling siya sa school.

Hindi ko inaalis si Reid sa tabi ko. Kung sakali mang bibitiw ito sa kamay ko ay agad ko siyang hahanapin. Ayoko. Ayokong sa isang iglap ay mawala siya sa tabi ko.

Pagkauwi namin ay agad kong inayos ang pagkain. Samantalang si Reid naman ay pumasok sa kwrato niya para magbihis. Nagsaing muna ako bago magbihis. Paglabas ko ng kwarto ko ay nakita ko agad si Reid na nasa harapng TV habang hawak ang controller. Fstration niya talaga ang video games. Hinayaan ko muna siya na gawin iyon. Bata, kaya syempre, pagbibigyan.

Pagkaluto ng sinaing ay tinawag ko na siya para kumain. Agad naman siyang tumalima, ikinuwento niya sa akin ang kaganapan sa school nila kanina. Si Thunder daw kasi ay nakapagpaiyak ng batang babae. Si Thunder ay bestfriend ni Reid. Pareho silang masungit, ewan ko ba, magkadikit na ata ang pusod nilang dalawa. Pagkatapos niyang kumain at iligpit ang pinagkainan namin, umupo na siya sa harap ng TV at hinawakan ang controller. Napahilamos nalang ako sa mukha ko.

BROKEN STRINGS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon