BS #36: LIFELESS WITHOUT YOU

180K 3.6K 429
                                    

BS #36: LIFELESS WITHOUT YOU

*********

MELISSA QUIZON

"Reid, where are you? Natahi ko na 'yung pants mo." Sabi ko habang hinahanap ai Reid sa loob ng kwarto niya.

Lumabas ako ng kwarto ni Reid. Nakarinig ako ng ingay mula kung saan kaya sinundan ko iyon. Ang ingay ay nagmumula sa kwarto ni Wright. Kumunot ang noo ko nang makitang seryosong nag-uusap ang dalawa. Nagtago ako sa may gilid ng pinto at nakinig muli sa usapan nila.

"Pero, Daddy, okay naman kayo ni Mommy 'diba? Bakit hindi kayo nag-uusap?" Inosenteng tanong ni Reid.

Itinigil ni Wright ang pagtatali ng kurbata niya. "May mga bagay na hindi mo pa maiintindihan, anak."

"Daddy, gagabihin ka na naman po ba sa trabaho mo? Hindi ulit tayo sabay kakain?" Tila may bahid na lungkot ang boses ni Reid.

Lumuhod si Wright sa harap ni Reid para magpantay sila. "Maaga akong uuwi mamaya, kasi mamimiss kita. Mahal na mahal kita."

Lumiwanag ang mukha ni Reid at niyakap sa leeg si Wright. Wala na akong narinig pa sa pag-uusap nila. Huminga ako ng malalim at lakas-loob na kumatok sa pinto.

Naghiwalay sila at napatingin sa akin. Itinaas ko ang pants ni Reid na natahi ko na. Tumakbo papalapit sa akin si Reid. "Thank you, Mommy! You're the best!"

Umalis na ito at isinarado ang pinto.

"Nakakahalata na ba siya?" Tanong ko.

Binasa nito ang ibabang labi bago magsalita. "I don't think so."

"Okay. That's all I want to hear."

"Pinapakinggan mo lang ang mga gusto mong pakinggan, Melissa." Maalab nitong sabi.

"I won't deny that fact, Wright." Diretsa kong sagot.

Tumalikod na ako at akmang bubuksan ang pinto nang pumaikot ang mga braso nito sa aking bewang. Napasinghap ako nang ibinaon nito ang mukha sa pagitan ng balikat at leeg ko.

"Wright!" Pilit akong kumakawala sa yakap niya.

"I really love your scent, Baby. It's peaceful having you in my arms." He murmured.

"Wright, p-please-"

"I wish I can melt your frozen heart." Iniharap niya ako sa kanya. Malungkot ang mga mata nito. "But, let's face the reality that I cannot. Fucking life."

Napalunok ako ng ilang beses. Kinagat ko ang aking ibabang labi para mapigil ang panginginig niyon. Hinawakan ni Wright ang magkabilang pisngi ko.

"I love you so much that I could die, Baby."

"Stop-"

"I can't stop loving you, Baby. And I won't. My heart's aching for you. You're all I need." Nanginig ang tuhod ko sa klase ng tingin niya.

"Wright, mas okay na ganito nalang tayo." I managed to say.

"Hanggang dito nalang ba talaga?"

Nag-iwas ako ng tingin. "Marami ng nangyari, Wright."

"At hindi mo kayang kalimutan ang lahat ng iyon?" May hinanakit sa boses nito.

Lumunok ako. "Lumabas na tayo. Mahuhuli na siya sa klase."

"Melissa, this is my last draw." Bumaba ang mukha nito at nagtagpo ang aming labi.

Marahan lang ang galaw ng kanyang labi. Naramdaman ko ang pagmamahal nito. Pinilit kong huwag pumikit at namnamin ang matamis na labi nito.

BROKEN STRINGS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon