BS #35: ICE PACK

164K 4K 400
                                    

BS #35: ICE PACK

*********

MELISSA QUIZON

"Mommy, gusto ko n'un. Saka n'un. Saka n'un. Ay, saka ito. Mommy, ano 'yun? Gusto ko n'un." Patalon-talon si Reid habang hawak ang kamay ko at tinuturo ang mga gusto niyang ipabili sa akin.

"Reid, baby, calm down."

Humalakhak ito. "Ang daming laruan, Mommy!"

Tumalungko ako para magpantay ang aming mukha. "Paano na kapag dumating si Santa? Ano pa ang ibibigay niya sa'yo, e, nabili mo na lahat ng gusto mong laruan?

Ngumuso ito at tumingala na wariy nag-iisip. Ayoko kasing i-spoil si Reid. Dapat ngayon palang matuto na siya na hindi lahat ng gusto niya, nakukuha niya.

"Ay, tama ka po, Mommy." Nakangiting sabi nito. "Bakit po hindi sumama si Daddy na mag-grocery?"

Tumikhim ako. "May trabaho kasi si Daddy ngayon kaya hindi siya sumama."

Kaninang umaga, paggising naming ni Reid ay wala na ito. Nag-iwan lang ito ng note sa ibabaw ng lamesa sa kusina na sinasabing may maaga siyang meeting sa opisina. Nag-iwan rin ito ng itim na credit card para pang-grocery namin ni Reid. Paglabas naman namin ng bahay ay may nag-aabang na driver sa amin, napag-utusan daw siya ni Wright na ihatid kami sa grocery store. Hindi ko naisama si Bobbie dahil sinundo siya ng Mama niya, schedule daw kasi ng check-up niya.

Napatingin ako kay Reid nang hilahin nito ang damit ko. Itinigil ko ang pagtulak sa grocery basket na may laman lahat ng pinamili namin.

"Toys, Mommy?"

"Sa Christmas, Baby. I promise." Hinaplos ko ang buhok nito.

Tumango ito.

Pagkatapos naming mag-grocery ay agad kaming umuwi sa bahay. Kasalukuyan kong inilalabas ang mga pinamili ko nang hatak-hatakin na naman ni Reid ang damit ko.

"Mommy! Mommy, look! Mommy!" Pangungulit nito.

Hinila niya ako papunta sa may pintuan ng bahay.

"What is it, Re What the what?" Nanlaki ang mata ko sa nakita.

Lahat ng laruan na tinuro ni Reid kanina sa mall ay nasa loob ng bahay naming ngayon. Isa-isang nakahanay ang mga iyon sa lamesa sa sala.

"Like it?" Napatingin kami kay Wright na malawak ang ngiti habang nakaupo sa one-sitter sofa.

What the heck!

"Daddy! Binili mo po itong lahat?" Tumakbo si Reid papunta kay Wright. Umakyat ito sa kandungan ng ama.

Tumayo si Wright habang buhat si Reid. "Uhm, no? Some guy wearing red attire brought it all for you.

"It's Santa!" Maligayang sabi ni Reid. "But it's not Christmas yet. 'Wag mo na po akong lokohin. Ikaw po ang bumili nyan."

Wright chuckled. "Guilty as charge."

"How did you know?"

"We own the market, Sweetie." Sabi ni Wright at mahinang piningot ang ilong ni Reid.

Bumaba si Reid at pinakielamanan ang mga laruan na binili ni Wright. Lumapit sa akin si Wright at tinulungan akong buhatin ang mga pinamili ko.

I raised my eyebrow at him. "You're spoiling him."

He shrugged. "So what if I am?"

"Don't." Malamig kong sabi.

Nagbuntong hininga ito. "Your reason?"

"Dadating ang araw na hihingi siya sa akin ng mga bagay na hindi ko kayang ibigay."

"I won't let that happen." Marahang sabi nito. "Trust me."

Trust. Really?

Tumalikod na ito sa akin at pumasok sa kusina. Sinundan ko siya at inilapag sa lamesa ang iilang dala ko.

Kinalabit ni Reid si Wright at itinaas ang hawak nitong laruan. "Daddy, teach me how to fly this plane."

Ginulo ni Wright ang buhok ni Reid. "Let's go outside."

Nang lumabas ang dalawa ay mas nagging komportable akong gamitin ang kusina. Ipinaghanda ko sila ng tanghalian at dinala iyon sa may lanai. Nadatnan ko si Reid na nakaupo sa mga hita ni Wright habang tinuturuan itong hawakan ang kontroler. Ibinaba ko ang pagkain sa may lamesa.

"Hold the controller, Baby. Here look at this button, this one is the start." Turo ni Wright.

Pagkatapos naming kumain ng lunchay bumalik ulit sila sa pagpapalipad ng laruan eroplano ni Reid. Hindi ko nga sila maistorbo dahil mukhang masaya silang dalawa sa ginagawa nila. Nakahiga lang ako sa duyan habang nagbabasa ng libro at panaka-naka ay tinitingnan ko sila.

"Aya!" Napabaling ako kay Reid nang sumigaw ito.

Nakatingala sila sa puno ng mangga. Nakasabit roon ang eroplano na kanina pa nila nilalaro.

"I got it." Ginulo ni Wright ang buhok ni Reid pagkatapos ay umakyat na sa puno.

"Be careful, Daddy!" Paalala ni Reid.

Nakuha ni Wright ang eroplano at inihulog kay Reid. Nasalo agad iyon ni Reid. Napatayo ako nang pagbaba ni Wright at nadulas ito sa isang sanga at nahulog. Ang likod nito ang unang sumayad sa lupa. Napatakbo ako papalapit sa kanila.

"Daddy! Okay ka lang po?" Nagpa-panic na sabi ni Reid.

"Wright, stop moving, will you?" Saad ko.

Tumayo ito habang hawak ang balikat. "Ugh! Okay lang ako, Baby. Mababa lang naman 'yung hinulugan ko."

Ngumiti ito ng tipid sa akin at nilipat ang ataensyon kay Reid. Napapalatak nalang ako nang bumalik ulit sila sa paglalaro. Habang naglalaro sila ay napapansin ko ang minsang paghilot ni Wright sa kanyang balikat. Napapangiwi pa ito minsan ngunit hindi nito pinapahalata kay Reid.

Kaya nang magpaalam itong pumasok sa bahay ay sinundan ko na siya. Hawak ko ang ice pack na kanina ko lang nilagyan ng yelo. Kumuha ito ng tubig sa kusina at uminom.

Napaharap siya sa akin nang kinalabit ko siya. Ibinaba nito ang baso sa lababo.

Itinaas ko ang ice pack. "Uhm, ice pack?"

"Don't need it."

"Alam kong masakit ang balikat mo."

"How did you know?"

"Nahulog ka sa puno, 'diba?" Masungit kong sabi.

"Isang uri lang ng sakit ang nararamdaman ko, Melissa. Iyon ang pagtanggap sa katotohanan na hindi mo na ako bibigyan pa ng isang pagkakataon. At hanggang dito nalang tayo!" Napasinghap ako sa sinabi niya. Kitang-kita ang hinanakit sa kanyang mata.

Naninging ang aking tuhod dahil sa klase ng tingin nito. Kinagat ko ang ibabang labi ko at pinila nalang na tumalikod sa kanya. Ngunit wala pa man sa kalahati ang nalalakad ko ay may humila na sa aking braso.

Nanlaki ang mga mata ko nang maglapat ang aming labi. Mariin nitong hawak ang batok ko para hindi ako makawala.

"Wri-" Sinamantala nito ang buka ng bibig ko at ipinasok niya ang kanyang dila. Malakas ko siyang tinulak. Hingal na hingal ako nang makalayo sa kanya.

Tinakpan ko ng likod ng palad ang aking labi.

Mapupungay ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Nag-iwas ito ng tingin, binasa ang ibabang labi at pagkatapos ay tumingin ulit sa akin.

"Nagbaka-sakali lang ako na kapag hinalikan kita, mag-iba pa ang desisyon ng puso mo." Huminga itong malalim. "Guess I'm wrong. It's still the same."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nilagpasan na niya ako at lumabas sa kusina. Uminit ang sulok ng aking mata at unti-unting bumagsak ang aking luha.

---------

UNEDITED.

12-16-14

SK<3

BROKEN STRINGS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon