BS #6: THROWN AWAY

385K 5.7K 1.3K
                                    

BS #6: THROWN AWAY

******************

MELISSA QUIZON

Parang wala ako sa sarili ko buong araw. Dalawang araw na ang nakakaraan simula nung ma-discharge ako sa ospital. Sobrang lalim ng iniisip ko. Parang sasabog na nga ang ulo ko sa sobrang daming tanong na umiikot sa utak ko. Nang sabihin ng doctor ang balitang iyon ay hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman. Magiging masaya ba ako? O malulungkot ako? Paano ko mapapalaki ang batang ito kung ganito ako kabata? Nineteen palang ako.

Pero, alam ko, kasalanan ko ‘to. Masyado akong nalulunod sa akalang magiging kami ni Wright FOREVER. Maybe, Forever’s just a hallucination. Ano ba ang nagawa kong mali para mangyari ito sa buhay ko? Maski si Lola ay naging malamig ang pakikitungo sakin. Although, magkasama kami sa iisang bubong ay palagi nalang malayo ang tingin nito na parang may iniisip.

Sinisisi niya ba ako o ang sinisisi niya ay sarili niya. Na baka nagkulang siya ng pagpapalala sakin. Hindi dapat niya sisihin ang sarili niya. Ako, ako dapat sisihin dahil ako ang may mali, ako ang nagpadaig sa pagmamahal ko kay Wright at naniwala na totoo ang pagmamahal nito sakin.

Shit! Ang sakit! Ito ang unang lalaking minahal ko, bakit hindi niya naisip iyon? Hindi ba mahalaga rito kung gaano kaimportante sakin ang bagay na binigay ko?

Hinipo ko ang sinapupunan ko na ngayon ay may laman na. Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa kama ko at pumunta sa salamin na matatagpuan sa gilid ng kwarto ko. Inilihis ko yung damit ko, tumagilid ako para makita ang  tiyan ko na halos hindi mahalatang may laman na iyon. Hinipo ko iyon at hinaplos. Bigla nalang umagos ang luha sa mga mata ko.

Kailangan malaman ni Wright ito. Hindi lang dapat ako ang umako nito. Hindi ko kakayanin. Kailangan ko ng kasama at si Wright lang iyon dahil ito ang ama ng batang nasa sinapupunan ko.

Iyon lang ang pumasok sa isip ko. Nagsimula akong magbihis para pumunta sa condo ni Wright. Kailangan niyang malaman. Responsibilidad niya ito.

“Salamat po, Manong.” Magalang kong sabi sa Taxi Driver at inabot ang bayad ko. Pagkatapos ay bumaba na ako sa Taxi nito. Sumakay ako ng elevator paakyat sa naturang condo ni Wright.

Inihanda ko muna ang sarili ko bago ako mag-doorbell. Alam ko na ang magiging reaksiyon nito kapag nakitang ako ang nasa likod ng pintuan. Alam ko rin sa sarili ko na sa oras na makita ko ang mukha nito ay sakit ang una kong mararamdaman.

 Nanginginig ang kamay ko habang itinataas para mapindot ang doorbell. Napapikit ako nang tumunog iyon. Sa ayaw at sa gusto nito.. pananagutan niya ako. Hindi lang ako ang may responsibilidad sa batang ito.

“Oh, you again.” Pagdilat ko ay bumungad sakin ang babaeng may asul na mga mata. Si Claire. Ito ang babaeng ipinilit sakin ni Wright. Biglang nanginig ang mga tuhod ko nang pumasok iyon sa isip ko. Nandito na naman siya. Hindi nab a siya umuuwi sa kanila? Binabahay nab a siya ni Wright?!

“I-I n-need to talk to Wright.” Sinikap kong patatagin ang boses ko.

“Come in.” Ibinuka nito ng malapad ang pintuan para makapasok ako. Nagulat ako sa kung paano niya ako tratuhin.

“H-Hindi ka man lang ba magagalit na nandito na naman ako? Hindi mo ako susungitan? Hindi mo ako sasabunutan o kaya tatawagin ng kung ano-ano?” Nagtataka kong sabi.

Tumawa ito ng pagak. “Why should I? Hindi ako bababa sa puwesto mo para lang gawin iyon. At isa pa, sa tingin mo ba mababawi mo pa siya sakin?”

Halos hindi ako makagalaw sa puwesto ko dahil sa sinabi nito. Tama siya, mababawi ko pa ba si Wright? Of course!! Siya ang ama ng batang dinadala ko! Kahit na may masaktan akong iba, wala na akong pakielam, basta kailangan ko si Wright. Kailangan namin siya ng anak niya. Wala na akong pakielam kung masaktan ang babaeng ito. Akin si Wright. KAilangan ko siya. Kahit alam kong ginago niya ako, wala na siyang kawala.

BROKEN STRINGS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon