BS #12: MORNING SUPRISE

388K 5.3K 886
                                    

BS #12: MORNING SUPRISE

----------

MELISSA QUIZON

Nakatulala lang ako hanggang sa makapunta na kami ni Eugene sa bahay namin. Binuksan ni Eugene ang pinto ng passenger seat atsaka ako tinulungang makababa ng sasakyan. Nararamdaman ko pa rin ang panghihina ng tuhod ko nang makatayo na ako. Paniguradong namumutla pa rin ako hanggang ngayon.

Hindi ko alam kung kailan susuko si Wright. Bakit ba gustong-gusto niyang angkinin ang anak ko? Hindi ko siya maintindihan! Naiinis ako sa sarili ko! Bakit hindi ko makalimutan ang labi nito? Bakit parang hinahanap-hanap pa rin ng katawan ko ang mga haplos niya?! Nakakainis!

Hindi ako makapaniwala, nangyari ang lahat ng ito sa isang araw lang?! Ipinagpasalamat ko nalang na dumating Eugene sa oras. Dahil hindi ko alam ang mangyayari kung maabutan pa ako ni Wright.

"Magpahinga ka na. Kailangan mo iyon." Tanging tango lang ang naisagot ko sa kanya. Nanghihina pa ako. 

Kumatok kami. Sumilip muna si Minerva sa bintana bago kami papasukin. Natuwa naman ako, mapagkakatiwalaan ko talaga ang babaeng ito. Agad akong umupo sa sofa at dumukot ng Five Hundred Pesos sa wallet ko at ibinigay kay Minerva. Pagkatapos nun ay nagpaalam na ito at umuwi na. Tinanggal ko ang sapatos ko atsaka itinaas ang mga tuhod ko. Ipinatong ko ang ulo ko sa ibabaw niyon.

Hindi ko na alam ang gagawin ko, Lola.. Ano po ba talaga ang tama? Bakit ba kasi kinuha agad ng Diyos ang Lola ko kung kailan kailangan ko ng masasandalan. Naging masama ba talaga akong ina kaya nangyayari sa akin ito? Kaya binabawi sa akin lahat ng mahal ko sa buhay?

Hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng luha ko. Naramdaman kong may umupo rin sa tabi ko at hinihimas ang likod ko. Si Eugene nalang ang natitirang tao na masasandalan ko. Ayaw ko na mawala siya sa akin. Humarap ako sa kanya at pinaikot ang mga braso ko sa leeg nya. Sumiksik ako sa dibdib niya. Mas lalong lumakas ang mga hikbi ko. 

"Eugene.." Nanghihina kong sabi.

"Hmm?"

"Pwede bang.. dito ka nalang matulog?" Lumayo ako ng kaunti sa kanya. Pinunasan nito ang luha na patuloy na dumadaloy sa pisngi ko. "A-Ano.. Kasi.."

Ngayon ko lang siya patutulugin dito sa bahay namin. Hindi ko alam ngunit kapag alam kong naririto ang presensya ni Eugene ay nagiging panatag ako. Parang alam ko na hindi niya ako sasaktan o kaya'y ipapahamak. Siya talaga ang protector namin ni Reid. Napakaswerte ko at nakilala ko ang isang tulad niya.

Ngumiti ito. Ngunit naroon pa rin ang pag-aalala sa mga mata niya. "Saan ako matutulog?"

Nag-isip ako. Ayokong matulog ito sa sofa dahil hindi naman ito kasya dito. Hindi siya magiging komportable. "Uh.. Sa kwarto ko nalang. Sa kwarto nalang ni Reid ako matutulog."

Napapalatak ito. "Woman! You're going to torture me."

Napalunok ako. Oo nga pala. Mahirap sa mga lalaki ang magtimpi kapag naamoy nila ang babae at mas lalo na kung sa kama iyon. "Eh, saan kita patutulugin?"

"Okay na ko dito sa sofa. May electricfan naman, e."

Kumunot ang noo ko. Hindi siya kasya dito. Kahit na may electricfan, hindi pa rin siya magiging komportable. "Hindi ka kasya. Sa kwarto ko nalang."

"Sa kwarto ni Reid."

Naisip ko. Malaki nga pala ang kama ni Reid.

"Okay." Niyakap kong muli ito. Lumalaki na talaga ng utang na loob ko kay Eugene. "Thank you, Eugene."

BROKEN STRINGS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon