BS #20: STUCK BETWEEN TWO STONE

298K 5K 690
                                    

BS #20: STUCK BETWEEN TWO STONE

----

MELISSA QUIZON

Nagising ako nang may sumiksik sa pagitan ng ulo ko. Pagmulat ko ay nakita ko ang makintab na buhok ng anak ko atsaka lang pumasok sa isip ko ang lahat ng nangyari kahapon. Ano na naman kaya ang dala ng araw na ito para sa amin ng anak ko?

Hinalikan ko siya sa noo bago dahan-dahang bumangon. Kumilos ito ng kaunti para humarap sa kabila at yakapin ang teddy bear na bigay ni Eugene.

Kasalukuyan akong nagluluto para sa almusal namin nang makarinig ako ng katok sa pinto. Nagulat ako nang makita ko si Wright sa tapat ng bahay namin at agad na binuksan ang pinto pero nanatiling naka-lock ang screen door.

"What are you doing here?" He's wearing a white V-neck T-shirt and faded jeans. Nakasuot din siya ng cap at ray ban. May nakasabit din na dog tag sa leeg nito.

"Nagluto ako ng breakfast para sa atin." Lumawak ang ngiti sa labi nito. Itinaas pa nito ang bag na hawak. Naamoy ko kaagad ang burger sa loob non.

I sighed. "Ang sabi ko naman sayo, bigyan mo ng time ang anak ko para ma-absorb niya ang sitwasyon."

"Anak natin." He corrected

Tumaas ang isang kilay ko. "Umuwi ka na."

Bumagsak ang balikat nito. "I want to start my day eating breakfast with my family."

"Bobbie is also your family. And we are not family. Family is somebody you cannot leave behind."

He sighed heavily and moisten his lower lip. "Kailangan ba talaga nating balikan ang lahat, Babe?" Babe.

Napasimangot ako. "Don't call me 'Babe'."

"Why? It's our endearment, Babe, don't you remember?"

"Yeah. I remembered it clearly, Wright. Ako pa ba ang makakalimot." I said sarcastically.

"Are we--- We are talking about the past, aren't we?" He gulped, feeling bothered. I arched my eyebrow. "Look, could we just eat the breakfast I made? Baka... Baka ma-late ang anak natin sa school."

"Ang kulit mo rin 'no?" Huminga ako ng malalim. Relax, kailangan siya ng anak ko. I want my son to be complete kahit pa ang kapalit nun ay ang pagbabalik sakin ng masasakit na alaala.

Binuksan ko ang screen door.

Sumilay ang matagumpay na ngiti labi nito. Inalis nito ang suot na cap at ray-ban.

"Umupo ka muna. Magsi-sinangag pa ako ng kanin." Masungit kong sabi at inirapan ito bago tumalikod.

Narinig ko pa ang mahinang pagtawa nito.

Pagkarating ko sa kusina, biglang tumunog ang phone ko. Sinagot ko iyon nang malalaman kong si Eugene ang caller.

"Good morning." Unang bati nito.

"Good morning." Sagot ko. Inipit ko sa balikat a tainga ko yung phone ko para makapagluto ako ng maayos.

"Melissa. Have you.. Have you change your mind about giving him a chance to make it up with you." Mahinang tanong nito.

"What? No. Ang chance na binigay ko sa kanya ay para lang kay Reid, Eu. Nothing more, nothing less." Mabilis kong sagot.

Matagal ito bago sumagot. "I hope you will not change your mind, Mel. Because if you do.. Masasaktan ako ng sobra." Naramdaman ko ang paghihirap sa boses bi Eugene. "Anyway, I just happen to past by and saw you talking to Wright that's why I asked. What is he doing there?"

BROKEN STRINGS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon