SPECIAL CHAPTER (3)

235K 4.4K 370
                                    

SPECIAL CHAPTER (3)

MELISSA QUIZON

"I like this one." Sabi ko habang tinitikman ang iba't-ibang flavors ng cake na para sa kasal namin.

"But, Baby, I hate strawberries." Malambing na saad ni Wright habang hinahaplos ang aking hita.

"But, I want this. Please? Try mo lang. Hmm." Inumang ko ang kanyang kutsra sa kanyang labi.

Umasim ang kanyang mukha at umiling. I pouted and said 'please'. Nagbuntong-hininga siya at isinubo ang cake.

Reid tugged my blouse to get my attention. "Mommy, ako din."

Humati ako sa cake na nasa platito ko at isinubo kay Reid. Pinunasan ko ang gilid ng kanyang labi dahil may icing na dumumi roon. Binalingan ko si Wright, napasimangot ako nang mahuli itong iniluluwa sa tissue ang cake na sinubo ko sa kanya.

"Sorry." Guilt is visible on his face.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Really?"

Napalunok ito. "I'm sorry, okay? Hindi ko talaga gusto ang strawberries. Pero kung iyan ang makakapagpasaya sa'yo, okay fine. I can bear the taste."

"Thanks, Baby." I said happily and kissed his left cheek. He smiled sweetly. I looked at the wedding coordinator and Exquizite's owner, Miss Ysabella Santiago, sitting in front of us.  "We've decided."

"Very nice choice, Misis Agoncillo. The flavour you chose is one of our best seller." Saad ni Miss Santiago na may-ari ng Exquizite.

Hinawakan ni Wright ang aking kamay habang nakikipag-usap kami sa wedding coordinator at kay Miss Santiago. Samantalang si Reid naman ay kain lang ng kain ng cakes habang naglalaro ng kanyang PSP.

Halos dalawang oras ang itinagal ng pag-uusap namin. Napansin ko si Reid na bumaba sa kanyang upuan at umikot papunta sa kinauupuan ni Wright.

"Daddy, lowbat na po ang PSP ko. Uwi na tayo." Malambing na saad ni Reid kay Wright.

Umakyat si Reid sa kandungan ni Wright at iniyakap ang mga braso sa leeg ng ama. "Sandali nalang, anak."

"Naiinip na po ako." Bulong ng anak ko bago isiksik ang ulo sa leeg ni Wright.

"You look very beautiful in pink, Misis Agoncillo." Ang tinutukoy nito ang ang wedding gown ko.

Ngumiti ako sa aming wedding coordinator. "Thank you. And my husband, too, right?"

"What?" Wright said, shock. "I'm going to wear pink on our wedding day?"

"Isn't that wonderful?" I teased.

"No. I'm not going to wear my tuxedo if it's color pink, Baby. I'm begging you."

"That's boring. Okay, fine. Violet, then. It will be a good combination, don't you think?" I giggled when I saw his face darken. "I'm just teasing you, okay?"

"Lagot ka sakin mamaya." He devilishly said.

Tunikhim ako at nag-iwas ng tingin sa kanya. Nginitian ko ang wedding coordinator namin at pinagpatuloy ang pakikipag-usap dito.

Nang matapos namin ang papili sa flavour ng cake, pagpili sa kulay ng wedding gown ko at ng mga abay ay nagpaalam na kami sa kanila.

"Nakatulog si Reid?" Sabi ko habang naglalakad kami patungo sa kinaroroonan ng sasakyan namin.

Pinunasan ko ang noo ni Reid na nakalitaw mula sa likod ni Wright dahil sa namumuong pawis roon.

"Napakamainipin talaga ng anak natin." Wright said.

"Mana sa'yo."

"'Yan ka na naman, e. Kapag negative feedback, sa akin nagmana. Kapag naman positive, sa'yo. Girls." Naiiling nitong sabi.

"Because, I'm always right."

"Yeah. You're right."

"Sinong bayani ang laging naghuhubad?" I asked while we're still walking sideways. Wala, trip ko lang.

Tumaas ang isang kilay niya. "Sino?"

"Si Undress Bonifacio." Sabi ko bago humalakhak dahil sa joke ko. Na-realize ko na nakatitig lang pala ito sa akin at hindi man lang nakisama sa joke ko.

"Siguraduhin mo na kapag nag-joke ka, pareho tayong tatawa." Seryosong nitong sabi.

Napasimangot ako. "Ang sama mo."

Mabilis kong binuksan ang pinto ng backseat ngunit pinigilan ni Wright ang aking braso.

"Hindi pa ako tapos." He said while staring at me with love in his eyes.

"Hindi ka pa tapos na laitin ang joke ko?"

Ngumiti ito at itinulak ang pinto ng kotse para magsara. Nakuha niya akong idiin doon kahit na nasa mga braso niya si Reid.

"Siguraduhin mong pareho tayo matatawa sa joke mo. Hindi 'yung ikaw lang ang tatawa at ako'y naiinlove na."

I caught my breath when I heard what he said. Wala akong masabi dahil parang nalunok ko ang aking dila.

Ugh!

Fuck.

I love this sick bastard.

Bumaba ang kanyang labi sa aking labi. Magaan lang ang kanyang halik. Kumapit ako sa kanyang bewang dahil sa panginginig ng aking tuhod. Hindi kami makakilos ng maayos dahil nasa pagitan namin ang nahihimbing na si Reid. Hindi siya makayakap sa akin dahil hawak-hawak niya si Reid para hindi ito mahulog.

Napaungol ako nang mahina niyang kagatin ang aking ibabang labi.

"Wright, my knees are trembling." I mumbles.

"Are you going to melt, Baby? Do you want more?" He whispered.

"Yes." I breathe.

"I can't hold you properly. Ugh." He traced my jaw with his hot lips.

"Ang init." Napalayo kami sa isa't-isa nang marinig magsalita si Reid.

Hindi namin napansin na nakabilad na pala kami. Agad kong binuksan ang pinto ng back seat at ipinasok ito ni Wright sa loob.

Agad nahiga si Reid sa loob at pinunasan ang pawis. Nagmamadali kaming pumasok sa sasakyan at binuksan ni Wright ang aircon.

"Bakit po ang tagal natin sa initan, Daddy?" Nakaupo na si Reid at ikinakabit ang seatbelt sa kanyang katawan.

"Uh, feel naming mag-sunbathing ng Mommy mo." Palusot ni Wright.

"Hindi naman po naka-swim suit si Mommy, ah?" Inosenteng sabi ni Reid.

"Kamuntikan na ngang siyang maghubad sa harap ko, e." Mahinang sabi ni Wright ngunit nadinig ko iyon.

Napasinghap ako at pinalo ito sa hita. Napadaing ito.

"What are you mumbling, Daddy?"

"Wala, anak, tinikaman ko lang 'yung strawberry sa labi ng Mommy mo." Malakas na sabi nito habang malawak ang ngisi.

Kukurutin ko na sana siya ngunit pinigilan nito ang aking kamay at dinala sa kanyang labi.

"But, you hate strawberry, Dad." Reid said while untying his sneakers.

"I love them now." He said seductively while licking my middle finger.

**********

SALAMAT SA SUPORTA, SWEETIES! Napakasaya ko dahil nandiyan kayo palagi para suportahan ako. :)

Again, kapag umabot ng 1700+ ang like ang picture ng kapatid ko.

MAG-A-UPDATE AKO NG ISA DITO, SA MARRIED BY MISTAKE AT SA THE SEXIEST MAN ALIVE.

Yehey, mabuhay ang nasusunog na utak ko.

SK<3

BROKEN STRINGS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon