SPECIAL CHAPTER (2)

204K 3.9K 544
                                    

SPECIAL CHAPTER (2)

MELISSA QUIZON

"Mag-merienda na muna kayo, mga bata." Nakangiti kong sabi at inilapag ang naka-tray na pagkain sa gitna ng mababang mesa na pinaggagawaan nila Reid ng project nila.

Tatlong kaklase ni Reid ang pumunta sa bahay namin para gawin ang kanilang proyekto.

"Thank you, Mommy Ganda." Sambit ni Thunder.

Ginulo ko ang kanyang buhok. "You're welcome, Pogi."

"Hindi siya pogi, Mommy. Ako lang ang pogi para sayo 'diba?" My son pouted his lips.

Nilapitan ko ito at pinisil ang matambok na pisngi. "Ikaw ang pinakapogi sa lahat ng pogi, anak."

"Talaga?"

"Ako ang mas at pinakapogi. Wala ng tatalo pa sa kapogian ko." Napalingon ako kay Wright. At kinunutan ng noo.

"Picking a fight with kids. Really, Wright?" I said. Inismiran ko ito. Binalik ko ang tingin ko sa mga bata. "O siya, kumain na muna kayo ha. 'Wag niyo na siyang pansinin."

Inasikaso ko ang mga bata. Alam kong naiintindihan ni Wright kung bakit namin pina-cancel ang meeting namin with the wedding coordinator. Pupunta kasi ang mga kaklase ni Reid ngayon at hindi namin sila pwedeng iwanan.

Tumayo ako at pinuntahan si Wright. Hinila ko ito sa loob ng kusina. "Ano ka ba? Kapag nagmaktol ang anak mo, hindi matatapos ang school project nila. Ikaw talaga. Tsk."

Idiniin niya ako sa pader at inikot ang mga braso sa aking bewang. "Pinakapogi naman talaga ako 'diba? Kaya nga love mo ko, e."

Pinalo ko ito sa braso. "Oy, mahal kita, hindi dahil sa itsura mo, no. Natatandaan mo ba dati? Iniiwasan kita kasi gwapo ka at playboy pa."

"Hindi ako playboy, ah. Palay ang lumalapit sa akin."

"Aba't—"

"Pero hindi ko sila tinutuka, ikaw lang ang tinuka ko." Napatingin ako sa labi nito na isang pulgada nalang ang layo sa labi ko.

Tumaas ang isang sulok ng labi nito nang kagatin ko ang ibabang labi ko.

"Let me do the honor to bite it, Baby." He said sensually.

"May mga bata sa labas." I gasped.

He chuckled. "Busy naman sila."

"You're a pervert."

"You like my pervertness!" He said with a smirk.

"Pervertness? What a word, Baby." I laughed.

Umanggulo ang kanyang mukha at naglapat ang aming mga labi. Humaplos pataas sa batok nito ang aking mga kamay at minasahe iyon. I was rewarded by his moan. Parang candy na kinakain nito ang aking labi. Kumalmot ang kuko sa kanyang balikat nang kagatin nito ang aking ibabang labi.

"Reid! Kinakain ng Daddy mo ang Mommy mo!"

Mabilis kaming naghiwalay nang marinig namin ang boses na iyon. Inayos ko ang aking sarili at si Wright naman ay mahinang napamura.

Agad kong nakita si Reid na pumasok sa loob ng kusina. Nakakunot ang noo nito. "Hindi naman, ah."

Hinarap ni Ashton si Reid. "Totoo. Nakita ko kaya."

"Nag-iimbento ka na naman, Ashton. Paano uubusin ni Daddy si Mommy, e, mahal na mahal niya kaya ang Mommy ko. Imbento ka." Sabi ni Reid at umalis na sa kusina para siguro ituloy na ang school project.

Tumikhim ako. "Ano ang kailangan mo, Ash?"

"Kukuha po sana ako ng tubig. Buti nga po, nakita ko po kayo. Kasi baka po naubos na kayo ni Tito."

BROKEN STRINGS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon