Blog # 5: "Best Bud"

5.6K 198 12
                                    

Blog # 5:

“Best Bud”

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

Zyrell Alden Zarate.

He was my best boy bud. Classmate ko siya ever since… well, ever since I started school, pero we became best buds during our sophomore year in high school.

He belonged to our school’s basketball varsity team, one of the most popular guys in school, and one of the most antipatiko. Ewan ko ba kung paano kami naging matalik na magkaibigan nito. Siguro dahil palagi kaming seatmates? Ewan. Basta one day naging partner na lang kami sa isang activity hanggang sa kami na ang palaging naging partners sa lahat ng school activities. Parang naging automatic na lang. ‘Yung tipong kapag pinakuha kayo ng teacher niyo ng ¼ sheet of paper para isulat ang name niyo at name ng partner niyo eh automatic niyo nang ilalagay ang pangalan ng isa’t-isa? Ganoon.

At ewan ko lang talaga kung paano kami naging mag-best buds nito eh sagad ang pang-aasar at pangungulit niya sa akin. Pero there was a difference ng pang-aasar at pangungulit ni Zyden sa akin sa pang-aasar at pangungulit nina Casper at Ethan noon sa akin eh.

Spot the difference. Or differences. Noong mga unang beses akong inasar at kinulit nina Casper at Ethan, inaamin ko namang asar na asar ako, pero eventually, alam naman natin kung saan nahulog iyon, ‘di ba? Nahulog sa kilig—na siyempre hindi ko inamin. Hanggang sa naging feelings of… well, feelings of ano nga ba? Basta naging feelings of infatuation ‘yung kilig-kilig na iyon.

Pero itong kay Zyden? Utang na loob. Sabihin na lang nating biglang bumata ang Kuya Cielo ko na imbes na ilang years ang tanda niya sa akin eh naging isa na lang. Tapos ang matured na Kuya Cielo ko eh nagiging isip-batang kuya minsan. Tapos kahit gusto mo na siyang sipain at lunurin sa Atlantic Ocean eh hindi mo magawa kasi nga kuya mo siya at mahal mo pa rin siya kahit na antipatiko siya.

Ganoon. Ganoon ang peg naming dalawa ni Zyden. He was like the brother I never had—kahit na meron naman akong kuya—and the brother I wouldn’t have wanted to have kasi nga antipatiko. Pero like a brother na wala akong magagawa kundi tanggapin dahil nga kapatid ko siya, Zyden Zarate was the boy bud I learned to be fond of kahit na minsan eh sumpa talaga siyang tinubuan ng mukha.

And I had always known he felt the same way toward me. Wala siyang kapatid na babae. Puro lalake sila at siya ang panganay, so medyo explicable talagang subconsciously eh naghahanap siya ng kapatid na babae.

Sobrang opposite kami ni Zyden. Pati kulay namin eh opposite din. And no, hindi ko siya nilalait. Nagsasabi lang ako ng totoo—ng katotohanan na kakulay niya si Hattori Heiji ng Detective Conan. Kaya kapag magkasama kami, para kaming mocha frappe. Obvious naman siguro kung sino ang kape at kung sino ang cream, ‘di ba?

But I meant all of those things in a fond way. Sabi ko nga, I was fond of him (pero never kong aaminin iyon sa kanya!) just as he was to me (at never niyang aaminin iyon sa akin!) Pero kahit na hindi naman namin iyon aminin sa isa’t-isa, hindi naman ako dense para hindi maramdamang importante ako sa kanya.

Pero minsan, kahit na gaano ako ka-fond sa kanya eh talagang sinusumpa ko siya. Katulad na lang noong may book report kaming kailangang gawin as team.

“Classic? Ayoko ng classic. Korni,” reklamo niya.

Binato ko siya ng notebook. “Classic nga raw sabi ni Sir Damasco eh! Kung may reklamo ka, sa kanya ka lumapit!”

“Ba’t ako? Ikaw class president eh,” sabi niya.

“So? Ako ba ang may reklamo?”

“O, sige, ganito na lang. Tutal eh wala ka namang reklamo, ikaw na lang ang gumawa ng book report,” nakangising sabi niya.

Blog GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon