Blog Thirty Eight: Red Lips

2.6K 144 22
                                    

Blog Thirty Eight: Red Lips

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

“I’m late! I’m so, so late!” natatarantang sabi ko habang tumatakbo papasok sa loob ng Tungsten Tower. Nakasunod sa akin ang mga pinsan at kapatid kong pongid. Tumatakbo rin sila, pero hindi sila natataranta. Natatawa sila. Leche.

Dinig na dinig ko pa rin ang tawanan ng mga pinsan ko habang ako naman ay pinagpapawisan na ng malamig. Finals namin sa Social Arts 2. Traditionally, sa event hall ng Tungsten Tower ginaganap ang finals. Modeling and fashion show ang finals para sa kahit anong year level na kumukuha ng Social Arts. Ang ganda ko, right? Walang kinalaman iyon, pero gusto kong pagdiinang maganda ako at gawing mantra iyon ngayon dahil malapit na akong mawalan ng malay sa nerbiyos. Hindi dahil sa pagrampa kundi dahil kapag nauna si Miss Feliza sa akin, ibabagsak niya ako on the spot. Kabilin-bilinan niya kasing dapat daw ay nandoon na kaming lahat pagdating niya, regardless kung maaga siyang dumating or not. Ang galing lang, right? I mean, where’s the hustisya?

Pagdating ko sa backstage, nandoon na ang lahat ng mga batchmates kong kumukuha ng Social Arts 2. Kami ang naka-schedule rumampa ngayon kaya ewan ko ba kung bakit umeepal na naman ‘yung mga pongid kong kapatid at pinsan eh sa ibang araw naman sila naka-assign. Bukod sa mga professors na magbibigay ng grades namin sa pagrampa, naroon din ang iilang representatives ng Tungsten Entertainment. Kaya ewan ko talaga kung anong kaepalan ang peg ng mga pongid kaya nandito sila. Malamang pinapanalangin nilang gumawa ako ng kahihiyan at kapalpakan. Naka-ready na nga ang video cam nila kahit noong paalis pa lang ako ng bahay eh. Ang sarap maging Cheng, promise—sarcasm intended.

Sa awa ng mga elemento eh nauna akong dumating kay Miss Feliza. Ayun nga lang, imbes na rarampa eh mukha akong nakipag-marathon. Pumasok ako sa dressing room for girls. Sumunod sa akin sina Usagi at Kanna.

“Whoa, Celeste, mukha kang chimay,” maarteng sabi ni Usagi habang umiirap. Naka-ready na siya. May make-up na’t lahat. And yes, mukha nga akong chimay sa tabi niya.

“Grabe ka, Usagi. Huwag naman chimay. Mayordoma naman,” natatawang sabi ni Kanna.

I rolled my eyes. “Ever heard of Cinderella? Magta-transform din ako. Tabi nga,” I said, shooing them away from one of the big mirrors. I looked at Usagi. “Why ka nandito? Girls’ dressing room ito, ah?”

“Eh bakit ba? Eh sa I’m a g—”

“Magbibihis ako, Usagi! Unless gusto mong ma-insecure sa sexy body ko, lumayas ka from here,” I said smugly.

He scowled at me and stomped off. Tinulungan ako ni Kanna magbihis. Simple lang ang attire namin. Cocktail attire, pero may theme. At ang theme? Pop culture. Eh malay ko ba kung papaano pagsasamahin sa iisang concept ang cocktail attire tapos pop culture ang theme, right? So noong bumili ako ng damit, dinampot ko lang ang unang nakita ko sa mall. At iyon ang pinagsisisihan ko ngayon.

“Kanna,” I said in panic. “Kitang-kita ang kaluluwa ng likod ko!”

She blinked. “Oo. Bakit? Don’t tell me katulad ng ginawa mo last year eh dinampot mo lang ang una mong nakitang damit? Hindi mo na naman sinukat? ‘Di ka pa talaga nadala last year na maluwag ‘yung damit mo?”

“Eh kasi tinatamad akong magsukat,” depensa ko.

“Ayan napala mo,” she said, shaking her head. “Pasalamat ka na lang eh kasya sa’yo ‘yung damit. Hayaan mo na ‘yang likod mo. Anyway, conservative much, Celeste?”

I shook my head. “No, no, no. It’s not what I’m worrying about!”

“Eh ano?”

“Nilalamig ako!”

Blog GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon