Blog Fifteen: Wishes

2.5K 124 5
                                    

Blog Fifteen: Wishes

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

“Anong katimangan na naman ba ‘yan, Celeste, at nagtatampisaw ka diyan sa ilog?” asar na tanong ni Cyber.

“I’m so, so enjoying the water!” masiglang sabi ko.

“Nandito tayo sa Mount Belleza para maghanap ng inspirasyon, Celeste, at hindi para magtampisaw sa ilog,” he snapped.

“You said we’re also here to relax!” protesta ko.

“Pagrerelaks ba ang tawag diyan sa ginagawa mo?”

“Yup!”

“I’m getting stressed just by watching you,” he muttered.

“How mean!” reklamo ko. Eh bahala siya! Basta ako, magpapakasaya ako sa ilog! Arte niya eh. I’m sure he’s just takot sa tubig.

Habang naglalaro ako sa ilog at nagmumukmok si Cyber (I so don’t know kung anong topak niya at nagmumukmok siya), may na-sight akong mga kulay yellow and red leaves na nakalutang sa tubig. Siyempre maganda ako, right? So excited kong nilapitan ‘yung area ng ilog kung saan maraming dahon.

“Cyber!” I screamed at the top of my lungs. “Look, oh!”

Kahit na nagmumukmok ang peg at kaartehan niya, tumingin siya sa direksiyon ko. “Problema mo? Huwag mong sabihing malulunod ka na at hindi ka marunong lumangoy. Bahala ka sa buhay mo.”

“How mean!” sabi ko. “So kapag nalunod ako eh hindi mo ako ise-save?”

“Hindi. Ba’t ka kasi pupunta sa malalim kung hindi ka naman pala marunong lumangoy? Maliban na lang kung timang ka.”

“Ang mean mo Hashtag Forever, Cyber!” I shouted at him. “Mabuti na lang at marunong akong lumangoy!”

“Hindi halata.”

I wrinkled my nose and ignored him. He’s just so, so mean! Dahil ang mean ni Cyber and he’s just bashing me Hashtag Forever, hindi ko na lang siya pinansin at kinolekta ko na lang ang mga cute yellow and red-colored leaves na nakalutang sa water.

“Celeste, tara na,” iritadong sabi ni Cyber. “Bumalik na tayo sa kampo.”

“Later!” masiglang sabi ko.

“Ano ba kasing ginagawa mo?”

“Collecting leaves!”

“Nangongolekta ka ng dahon? Kung mangongolekta ka rin lang pala ng dahon, nagpaiwan ka na lang dapat sa unibersidad at nagpulot ng mga tuyong dahon sa hardin,” he snapped.

“Cyber! These are for souvenirs!”

“Ang dami mong nalalaman,” he muttered under his breath. “Diyan ka na nga.”

“Cyber! Don’t leave me here! Kapag iniwan mo ako—OMG!”

Dahil sa kamamadali ko sa pag-ahon from the tubig ay nadulas ako at nakipagbeso-beso ang sexy butt ko sa waterbed.

“Iyan na nga ba ang sinasabi ko eh,” asar na sabi ni Cyber at bumalik para tulungan akong makatayo.

“Why naman kasi you’re going to make iwan to me? Sabay na tayo!” I said, grabbing the leaves na nabitiwan ko. “And pakihawak the dahons, please.”

“Ayoko nga. Baka mamaya eh sabihin pa ng mga tao, nahahawa na ako sa kahibangan mo.”

“It’s so not kahibangan,” I said smugly.

He sighed sighed and shook his head. “I give up.”

I smiled triumphantly while we walked pabalik sa camp. Pagdating namin sa camp, nagsisimula nang mag-ihaw ang mga kasama naming student journalists.

Blog GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon