Blog Eighteen: Friendship

2.8K 123 15
                                    

Blog Eighteen: Friendship

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

“Kuya! Ibalik mo ‘yung payong ko!” sigaw ko kay Kuya Cielo dahil kararating pa lang namin sa university eh nambu-bully na siya. I mean, ang daming payong sa bahay, hindi man lang siya kumuha ng payong tapos ngayon eh aagawin niya ‘yung payong kong cute at kulay rainbow! Nakakainis!

“Sumabay ka na lang kina Cassiopeia pauwi!” sigaw niya habang tumatakbo papasok sa loob ng building ng college nila.

Leche. Mabuti na lang at magkalapit lang ang College of Engineering at College of Mass Communication. Tinakbo ko pa papunta sa building ng college ko from the campus kung saan inagaw ni Kuya Cielo ang payong ko habang umuulan. Nakisukob na nga lang siya eh! Tapos inagaw niya pa? Napakabuting kapatid talaga niya, sagad! With all due sarcasm!

Pagtapak ko sa building ng College of Mass Communication, wet look na ang peg ng kagandahan ko. Kung bakit ba naman kasi sa ngayon pa talaga tinopak si Kuya, right? Nakakapeste, really.

Habang itinataktak ko ang tubig from my skin, may sumalubong sa aking mga froglets. Mga lima sila. Omo, why mukha silang frogs? Tapos they are nakanguso pa. I mean, the nguso, my gosh, the nguso. They want yata na maabot ng nguso nila ang floor eh. Do they want to kiss the sahig that much? Hindi kuntento sa beso-beso? Never mind. They made lapit sa akin. Ay, correction. They made harang pala.

“Ikaw!” the girl with the longest nguso snapped at me.

“Ako? Maganda? Yeah, I know. Why?” tanong ko habang itinataktak naman ang blazer ko. Mabuti na lang talaga at naisipan kong i-cover ang bag ko gamit ang blazer ko kung hindi, OMG lang. Sayang naman ang bag kong mas mahal pa sa noselift ni Froglet # 1 na humarang sa akin.

“Oh, my god. Your face is so makapal! Saang anggulo ka maganda, ha?” exasperated na sigaw ni Froglet # 3.

Napatingin ang mga tao sa paligid namin. Of course. Maganda kasi ako eh. “Sa kahit anong anggulo, but obviously, hindi mo makita, right? Kasi nagtatanong ka pa. So bakit ka nagtatanong? Your eyes are so labo? Must be. Kasi ikaw pa lang ang nagtanong kung saang anggulo ako maganda. Now if you’ll excuse me, I still have classes to attend. Oh, wait. Bakit niyo nga pala ako hinarang? Papa-autograph kayo?” I asked.

“Hindi! Gusto ka naming sabunutan dahil inaakit mo si Cielo!” sigaw ni Froglet # 4.

“Oo nga! We just saw the two of you sharing an umbrella a while ago!” sigaw naman ni Froglet # 5.

“Cielo is ours! Wala kang karapatang agawin si Cielo sa amin! We are seniors na at freshman ka pa lang! Nauna namin siyang makita!”

I blinked. Okay… hashtag… nganga. Right. I was so gulat that all I could do was nganga. Sa sobrang pagnganga ko nga eh nag-hi na ang baba ko sa sahig.

Cielo? As in… si Kuya Cielo!? ‘Yung napakabait (sarcasm intended) kong kapatid!?

Hindi ko alam kung paano ako naka-recover from the shock, pero noong naka-recover na ako, tumawa ako nang malakas. Humagulhol at napaluha na ako sa kakatawa habang sila naman ay ang napanganga this time.

“She’s laughing!” galit na sigaw ni Froglet # 2.

“Oo nga! Tinawanan niya lang tayo!” sigaw naman ni Froglet # 1.

“Bitch!” sabay-sabay na sabi nina Froglet # 3, 4, at 5.

“Wow, maka-bitch naman kayo,” natatawang sabi ko. “Nahiya pa kayo, puwede niyo namang sabihing beautiful bitch eh.”

Umabante si Froglet # 1 sa akin. “Aba’t ang tapang nitong—”

“Oops. No touching or hair-pulling, please,” sabi ko while holding up my palm and almost shoving it to her face. “Kawawa ka kapag nadampihan mo ang balat ko.”

Blog GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon