Blog Eight: Paranormal

3.2K 126 5
                                    

Blog Eight: Paranormal

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

“Cyber,” tawag ko habang tinatapik siya sa braso.

Deadma. Leche, he’s so sungit sagad talaga.

“Cyber,” ulit ko.

Deadma pa rin. He’s really making deadma to me habang nagta-type ng kung ano mang chenelyn sa laptop niya.

“Cyber!” I snapped.

Finally, he looked at me. Iritado nga lang. “Ano?”

“Aren’t we going home yet?”

“Umuwi ka na. Ba’t kailangan mo pa akong hintayin?”

“Eh kasi so dilim na sa labas. Gusto ko may kasamang maglakad.”

“Ba’t kasi nagpagabi ka ng uwi eh wala ka namang ginawa dito kundi maglaro diyan sa telepono mo?”

I shrugged. “Eh wala rin naman akong gagawin sa bahay eh. Mag-isa lang ako doon pagdating ko.”

“Nasaan ang kuya mo?”

“IDK and IDC.”

Tumaas ang dalawang kilay niya. “Ang mga pinsan mo?”

“IDK and IDC.”

“Ba’t ‘di mo kaya alamin at sumama ka sa kanila?”

“Ayoko nga. Gusto ko sa’yo sumama.”

He sighed. “Puwede ba, Celeste? Tigil-tigilan mo nga ang kakadikit mo sa’kin.”

“Eh bakit ba? We’re Hashtag Best Friends Forever naman, ah?”

“Ikaw lang ang nagsasabi niyan,” he muttered.

“How mean,” reklamo ko. “Sige na nga, I’m going home na lang.”

“Mag-ingat,” he muttered and then went back to whatever he was doing.

I wrinkled my nose. He’s so sungit sagad talaga. Oh, well. Okay lang! He must be busy sagad, so makalayas na nga lang.

“I’ll go ahead na, Cyber!” masiglang paalam ko.

“Go.”

Ngumuso ako. “How cold,” I complained.

“Just go.”

Kumaway-kaway ako, but he just made deadma to me. O… kay, fine. So rumampa ako sa hallways na medyo madilim-dilim na at dim lights na lang ang meron. Papalapit na dapat ako sa stairs when I heard something bump. I turned around to see kung may tao ba, pero wala namang tao. Siyempre mausisa ako, right? So I scanned the area, pero wala namang kahit anong living things sa paligid. I was about to continue walking noong mary narinig akong parang mga bulong… like airy whispers. Like… throaty, airy whispers.

Napalunok ako. Unti-unting lumalakas ang mga bulong hanggang sa nakarinig ako ng mahinang pag-ungol.

I couldn’t take it anymore. Chismosa ako eh. So malamang nagsalita na ako. “Hello? Anybody there?” tawag ko sa kawalan.

And of course, walang sumagot. May mahihinang mga bulong at pag-ungol pa rin, pero hindi ako sinagot ng kung ano mang sugo o elemento ang meron.

“May member ba ng kingdom animalia there?” I called.

Wala pa ring sumagot, pero nagpatulog pa rin ang mga bulong at pag-ungol.

Omo. May something. I heard something fall. That’s it. May something nga! Hindi ko na hinintay na magpakita ang something na ‘yun. I ran back papunta sa office ng Belleza Journals habang sumisigaw.

Blog GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon