Blog Thirty Seven: For Keeps

2.6K 146 19
                                    

Blog Thirty Seven: For Keeps

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

I found him waiting for me outside the classroom. Okay, so hindi naman ako assumera much, right? Unless may iba siyang hinihintay sa labas ng classroom, tama lang na isipin kong ako iyon.

“Wala kang klase?” bungad ko sa kanya.

He shook his head. “Walang prof.”

“So you’re idling in the hallway?”

Tumango siya. “Oo.”

Hindi man man nag-deny. He is just so, so honest sagad. “Why?”

“Hinihintay kita.”

“Kasi?”

“Sasabay ako sa’yo magtanghalian.”

“Bakit?”

“Gusto ko,” nakakibit-balikat niyang sabi.

I couldn’t help smiling, sa totoo lang. He’s always direct to the point and honest. Minsan nga nagtataka ako kung nagsisinungaling ba itong si Cirrus eh.

“Okay, okay. Nagugutom na rin ako eh. Punta tayo sa Beautea?”

He nodded. Pero bago pa kami makaalis ay biglang may nagtilian sa hallway.

“OMG, it’s him!”

“Ang pogi niya, syet!”

“Cyber Sandejas!”

“Girl, malalaglag na ang panty ko, Girl!”

Medyo napa-Hashtag Nganga ako sa dami ng mga babaeng nagtitilian noong dumaan si Cyber. Like, seriously? Yeah, seriously. He is really that popular lalo na sa mga freshmen girls. Kasi naman… well, I have to admit, he’s not only guwapo. Malakas pati talaga ang dating niya. Sagad.

“Sikat na sikat ‘yung kapatid mo,” sabi ko kay Cirrus habang nakatango sa direksyon ni Cyber na naglalakad at hindi pinapansin ‘yung mga babaeng sinusubukan siyang kausapin.

Tumango si Cirrus. “Oo.”

“Ganyan ka rin ba kasikat sa Vienna?”

He looked at me. “Hindi ko alam.”

I rolled my eyes. “Pinagkakaguluhan ka rin ba or something? Nakaka-receive ng maraming love letters or whatever?”

He shook his head. “Hindi. Panggabi ang klase ko. Kakaunti lang ang mga nakakakilala sa akin. At kahit na maraming makakilala sa akin, sa tingin ko ay hindi naman katulad niyan ang mangyayari,” he said, gesturing at Cyber’s direction.

“Huh. Impossible.”

He smirked at me. “It’s possible,” he said, shrugging. “After all, they say I have a very boring personality. No thrill.”

I looked at him carefully. Indeed, some girls really prefer Cyber’s personality—cold, arrogant, intimidating… masungit at popular. Kahit naman ako, I used to be enchanted noong nakilala ko siya eh. I mean, who wouldn’t like him, ‘di ba? Na kahit na ang sungit-sungit niya at napaka-arogante, he’s still a blissful sight, an eye candy.

But slowly, the enthusiasm died down. Siguro kasi naging factor na rin ‘yung treatment niya sa akin.

Nagustuhan ko siya—I won’t deny that fact. I used to really care for and about him. Pero later on, I don’t care anymore.

Actually, hindi lang kay Cyber eh. Even sa family or mga pinsan ko, I stopped carrying anymore. Of course I love them and all—magkakadugo pa rin kami. And tanggap ko naman ‘yung mga hindi normal nilang pag-iisip at mga pambu-bully nila sa akin, but really, I don’t care anymore. Kung dati eh palagi kong idinidepensa ang sarili ko or pinapatulan ko ‘yung mga pang-aasar nila sa akin, ngayon I really don’t care anymore. Parang wala, wala na akong interes sa mga iisipin o pang-aasar nila sa akin.

Blog GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon