Blog Nine: Hankie

2.8K 126 4
                                    

Blog Nine: Hankie

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

“Sama ako,” pagpupumilit ko kay Cyber habang nililigpit niya ang laptop niya. Kanina ko pa siya kinukulit at kanina niya pa ako dine-deadma.

When he finally turned to look at me, he sighed. “Bawal nga sabi ang babae doon.”

“Why?” I whined. “Exclusive for males ba ‘yung pupuntahan mo eh iinterviewhin mo lang naman ang basketball team, ah?”

“And the location is inside their gym lockers,” he snapped.

“Eh bakit kasi doon pa?”

“Saglit lang kasi ‘yun. Pinakiusapan lang sila ng Belleza Journals.”

“Pinakiusapan? Why? Isn’t it a special privilege to be interviewed by Belleza Journals?”

“Sa basketball team, hindi,” he muttered.

“So arte. Ah, basta. Sasama ako sa’yo,” I said, crossing my arms.

“Hindi nga puwede. Dito ka lang at tapusin mo ‘yung pinapagawa ko. Dapat pagbalik ko eh tapos mo na ‘yan.”

“Ayoko.”

“Ang tigas ng ulo, takte,” he muttered under his breath.

“Eh isama mo na kasi ako!”

“Hindi nga puwede. Puro lalaki ‘yung mga ‘yun.”

“And so? And so?”

“At nasa loob sila ng gym lockers.”

“And so!?”

“You don’t know how guys are when inside their gym lockers,” he snapped.

“Eh kaya nga sasama ako para malaman ko eh, ‘di ba?”

“Bakit kailangan pang malaman? Umayos ka nga at tapusin mo na ‘yan,” he said coldly.

He stomped off and left me inside the office. Leche. Iniwan ako! Nakakainis! We’re supposed to be together right now eh! I mean, ‘di ba Hashtag Best Friends Forever kami? Dapat sinasama niya ako! Nakakainis!

Eh pero sino ba naman ang nagsabing I’ll stay here, right? Of course… not! I’m going to make rampa papunta sa basketball gym at pagaganahin ang talent ko sa pag-spy. So after a few minutes, I left the office of Belleza Journals at kumembot papunta sa basketball gym. Walang tao sa loob, so I crept in. Naririnig ko ang mga boses ng lalake sa lockers area inside the gym.

I smirked. So malamang nandoon nga si Cyber at ini-interview ang mga members ng basketball varsity team. Ang galing ko, right? Right. So I walked quietly papunta sa door ng lockers area at sumilip dahil nakabukas ng kaunti ang pintuan.

Tawang-tagumpay na dapat ang peg ko, but instead, napa-OMG ako nang mahina. Mabilis pa sa alas-kuwatro ang lipad eyes ng mga tao sa loob ng lockers area papunta sa direksiyon ko.

“OMG,” I said again, my eyes wide. Kumurap-kurap ako. Just… OMG! I just saw the basketball team members half-naked! I mean, they were just wearing jersey shorts! Kitang-kita ng magagandang eyes ko (na kasingganda ko) ang kanilang bare chiseled chests and well-defined muscles. At kahit nagulat ako eh nagawa ko pa talagang i-describe ang sight. Maganda kasi ako, right? Kahit walang kinalaman iyon sa eksena ngayon dahil halos lahat sila ay napatalon sa gulat.

“Babae!”

“Takte, may babae!”

“Takbo!”

“Miss, bawal babae dito!”

“‘Yung tuwalya ko!”

“Takte,” a familiar irritated voice muttered and the next thing I knew, may nagtakip ng beautiful eyes ko. “Sinabi nang huwag pumunta rito eh.”

Blog GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon