Blog Forty Nine: In a Heartbeat

3.4K 137 11
                                    

Blog Forty Nine: In a Heartbeat

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

“Hoy, Celeste, ano ba?” sigaw ng napakapangit na boses mula sa garden.

I blinked and glanced down from the balcony. Nakatingala si Kuya Cielo sa akin at nakatingin nang matalim. “Huh?”

“Ano bang problema mo?” singhal niya mula sa baba.

“Wala akong problema. Ikaw ba meron?” nagtatakang tanong ko.

“Ako pa ngayon ang may problema? Sino kaya itong timang na kanina pa nagkakalat ng… ugh, takte, paper cranes mula diyan sa balkonahe papunta dito? Eh kung walisin mo kaya itong kalat mo, ha, Celeste?” asar niyang sabi sa akin.

I blinked again. Nagkakalat ako ng paper cranes? Wait. I blinked for the third time and realized that… OMG! I kept throwing tiny paper cranes in the air at malamang nahuhulog iyon pababa sa balkonahe!

“Sorry, sorry!” I dali-dali kong sabi. Agad akong bumaba at dinatnan si Kuya Cielo sa garden kung saan nakakalat ang mga painting materials niya at ang mga paper cranes ko. He looked really pissed.

“Walisin mo ‘yan o damputin,” singhal niya sa akin. “Baka sabihin pa ni Mama, ako ang nagkalat ng mga ‘yan.”

Ngumuso ako. “Ang arte mo hashtag sagad, Kuya,” I replied.

“Hindi ako maarte. Ikaw itong nag-iinarte at pinalilipad ‘yang mga papel de ibon na ‘yan eh para namang lilipad ‘yan. Timang ka ba o timang ka na nga talaga?” he asked sarcastically.

“Ba’t ba ang mean mo, Kuya?” I wailed.

“I’m not being mean, but I have a project due tomorrow. And you’re not helping because those paper cranes of yours are distracting me,” he snapped.

“Ang bakla mong mag-English!” I said, stucking my tongue at him while making pulot my tiny paper cranes.

“Tigilan mo ‘ko, Celeste, wala ako sa mood makipag-asaran sa’yo. Baka gusto mong ikaw ang paliparin ko mamaya?”

“Gawin mo,” I dared him.

“Ba’t ba ang aga-aga pa eh nag-aaway na kayo?”

Kuya Cielo and I both turned around and saw Kuya Boom, Kuya Box, Kuya Clynn, and Kuya Czar smirking at us habang papalapit sila sa kinaroroonan namin.

I sighed. Nandito na naman sila. Napaka-wrong timing talaga ng mga pinsan ko ever. Kung kailan kailangan ko ng peace and silence eh!

Bago ko pa mapulot lahat ng paper cranes na pinalipad ko kanina ay sinimulan na akong guluhin nina Kuya Boom. Leche. Nagkulong na lang dapat ako sa kuwarto eh.

“Paper cranes?” natatawang tanong ni Kuya Boom. “Anong meron sa papel de ibon at mabenta ‘yan ngayon?”

“Huh, ‘di naman mabenta ‘yan eh. Si Celeste lang naman ang nag-iinarteng pinalilipad ‘yan,” masungit na sabi ni Kuya Cielo habang nagpipinta ng kung ano mang pinipinta niyang hindi ko maintindihan.

“Si Cyber din kaya,” natatawang sabi ni Kuya Box.

At the mention of Cyber’s name, bigla akong kinabahan. OMG. OMG. Wala naman siguro silang alam, right? I mean… ‘yung kung ano mang mga eksena namin ni Cyber, wala naman siguro silang alam, right? Right. Right, right. Wala silang alam, so hindi dapat nagwawala ang sistema ko ngayon, right?

Wrong!

I’m so kinakabahan sagad! I mean, feeling ko any moment eh ibubulgar ng mga pinsan ko na may nasaksihan silang eksena namin ni Cyber eh! And I so don’t wanna let them know anything between us! I mean, sa’min lang ‘yun, right? The moments, I mean.

Blog GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon