Blog Eleven: Forest

3K 122 16
                                    

Blog Eleven: Forest

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

“Cyber! Tabi tayo,” nakangusong sabi ko while we were walking papunta sa bus.

“Doon ka tumabi kay Porschia,” iritadong sabi niya.

“Eh gusto ko ikaw katabi ko!”

“Ayaw kitang katabi,” he snapped.

“How mean! I hate you sagad na,” I said, stomping off and making layas-layas.

He sighed and followed me. Umakyat na ako sa bus at naghanap ng vacant seat. Umupo ako next to the window. “Cyber! Sit here!” I said.

He raised his eyebrows. “I thought you hate me already?” he asked.

“Huh? Sinabi ko ba ‘yun? Never mind! Tabi na kasi tayo!”

“Pare, ‘di ka ba pa uupo?” medyo natatawang tanong ni Philippe, isa sa mga production assistants ng Belleza Journals.

Cyber muttered something under his breath and sat next to me. I grabbed his arm and put my head on his shoulder while beaming widely.

“Celeste, bitiwan mo nga ako,” he snapped, trying to pull away from me.

“How mean,” I complained, letting go of him.

He cussed silently and put on his earphones. Oh, cheese. He’s going to ignore me na naman. I pulled out my own earphones at ikinabit iyon sa tengas ko.

I closed my eyes and listened to the music playing. I’m so kinikilig sagad! I mean, yeah, I am not a super hashtag fan of Zeus, but I have to admit na nakakakilig sagad talaga their songs

♫ Hindi ko makausap, ni ‘di malapitan

Isang binibining sagad sa kagandahan…

Bukambibig kapag siya’y ‘di masilayan

Tameme naman kapag nasa harapan… ♫

OMG, I’m so… so kinikilig sagad! Tinapik ko si Cyber sa balikat. “Cyber, I’m so kinikilig sagad,” sabi ko.

He pulled out one of his earphones. “Anong sabi mo?”

Nagsimula nang gumalaw ang bus. “Ang sabi ko, kinikilig ako sagad,” I said.

“O, eh ‘di kiligin ka,” he muttered.

“Naman! Pakinggan mo this,” I said, trying to shove him my earphones.

“Takte, Celeste, umayos ka nga. Makinig ka na lang diyan at kiligin ng tahimik, puwede ba?” masungit niyang sabi.

I pouted, pero… okay lang! I’m so kinikilig sagad, so bahala siyang maburo there. Basta ako, kinikilig!

Singkit na mga mata, kutis porselana

Ngiti niyang nagbibigay sa akin ng kaba…

Isang binibining sagad sa kagandahan

Hinahanap-hanap ko siya kahit na saan… ♫

OMG. Just… OMG! Feeling ko talaga ako ang kinakantahan ng Zeus nito eh! I mean, my eyes are singkit, right? And I might not have a porcelain-like skin, pero makinis naman ako at maputi eh, right? Right! I’m so maganda talaga! Why ba kasi hindi makita ni Cyber ‘yun!?

Oh, well, never mind. Basta maganda ako, period!

Hindi ko alam na nakakantok pala ang sobrang kilig. The next thing I knew, nakatulog na ako and my head was nakapatong sa balikat ni Cyber paggising ko.

Blog GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon