Blog # 3: "Boy-frenemy"

9K 249 29
                                    

Blog # 3:

“Boy-frenemy”

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

Casper James Lim Sandejas.

Marinig ko lang ang pangalan niya, kumukulo na ang dugo ko.

This would be one of the longest blogs, so brace yourself.

Now, as I said in my previous blogs, I was the type of person na hindi napapaaway o inaaway. I wasn’t bullied, lalo na’t walang magtatangkang i-bully ako dahil naglipana sa buong Barrio Belleza ang mga miyembro ng angkan namin. Marami akong pinsang kasabayang mag-aral from preparatory hanggang college.

Nobody dared to cross me. Sure, may mga classmates akong inaasar ako, pero hindi naman sagad talagang pang-asar. ‘Yung medyo kukulitin lang nila ako at aasarin kapag nagtataray o nagsusungit ako, but that was it. Hanggang ganoon lang.

Pero si Casper… okay, kinailangan ko pa talagang huminga nang malalim bago ko isulat ang blog na ito dahil sa tuwing naaalala ko ang lahat ng pamemeste niya sa akin, nanginginig talaga ang laman ko.

I have a very sharp memory, especially sa mukha ng tao. Kapag nakita ko ang mukha ng isang tao once, hindi ko na iyon makakalimutan. So I had probably seen Casper even during our fourth year in middle school, pero hindi ko naman siya pinapansin kasi… well, bakit ko siya papansinin? For one thing, taga-kabilang section siya. Kaklase niya noon sina Red at Fitz. In fact, he and Fitz belonged in the same circle of friends noong fifth year sa middle school.

Is it weird for me to remember who were friends with whom? Kung sino ang mga kasama ni ganito, ni ganyan? Eh the fact na wala naman talaga akong pakialam sa mga nangyayari before sa social circle during the middle school? Well, weird nga. But like I said, I remember people’s faces like their images had already been carved permanently inside my mind.

Maybe that is one of the reasons why I find it hard to forget memories…

Going back to Casper the Jerk—well, he really was a jerk. Nakilala ko siya during our fourth year in middle school. Nakilala ko siya by chance. One time kasi, kailangang i-renovate ng room nila, so the schedule of their classes would have to be moved sa hapon and ang gagamitin nilang room eh ‘yung room namin.

So kung kami ang gumagamit ng room namin sa umaga, sila naman ang gumagamit sa hapon. Nothing unusual except that we got the same seat assignment. Okay, nothing usual ulit kasi pang-umaga naman ako at pang-hapon naman siya.

Ang unusual eh naiwan niya ang notebook niya sa ilalim ng desk and being the perfectionist and OC girl that I was (na everyday talaga nililinis ang labas at loob ng desk), dinampot ko ‘yung notebook niya at kinilatis iyon.

Okay, I shouldn’t have done that. Dapat eh hindi ko pinakialaman ang gamit ng may gamit, pero sorry, curious lang talaga ako that time eh. I mean, anong masama kung sisilipin ko ang notebook niya sa Filipino, ‘di ba? Eh pareho lang naman kami ng teacher doon. Curious lang naman ako kung paano siya magsulat eh. Kung magaling ba siya sa cursive writing or not. Wala lang, pure curiosity lang talaga.

Because it had been a habit of mine to open the back page of a book or notebook, ‘yung likod ang binuksan ko. And guess what? Well, I don’t think you’ll guess, but there were confessions written at the back page of his notebook!

My gosh. My first reaction? Tumawa ako. Napalakas ang tawa ko kaya napatingin ang seatmate kong si Octavian sa puwesto ko. Pero hindi naman mausisa si Octavian kaya dineadma na lang niya ako after giving me a look.

I secretely read the confessions while trying not to laugh. Okay, hindi naman nakakatawa ang confessions, pero the fact that Casper—I happened to know that was his name because the notebook was labeled—a guy, confessed how he liked his classmate, Carla, just made me smirk and tried my best to control my laughter.

Blog GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon