Blog Thirty Two: Distance

2.9K 130 13
                                    

Blog Thirty Two: Distance

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

Paano mag-move on kung:

One, hindi naman kayo.

Two, walang something sa inyo—ikaw may something ka sa kanya, pero siya ay walang something sa’yo.

Three, wala kayong connection talaga. Nagkakaroon lang kapag minamanipula mo ang pagkakataon o kaya pinepeste ang tadhana.

Four, wala ka lang sa kanya.

Malamang sasabihin ng iba eh tanga lang dahil may pa-move on move on pang nalalaman eh tingnan nga ‘yung mga points doon sa taas at kung titingnang mabuti eh very logical naman ang points, wala namang dapat ipag-move on, right?

No. Anong tanga lang eh kapag ba pakiramdam o nararamdaman na ang pinag-uusapan, may kinalaman pa ba ang logic diyan?

Excuse me lang, pero wala. Wala nang kinalaman pa ang logic as far as feelings are concerened. Pero siyempre, para sa akin lang naman iyon at I’m just applying this to my own feelings. Kanya-kanyang peg naman ‘yan, and in my case. I have to move on.

I have to move on—no matter how and if people would point out those items one to four sa pagmumukha ko.

Right. I. Have. To. Move. On.

So… paano?

Ewan ko.

Kaya nga nagtatanong ako, right? At sinong tinatanong ko? Sarili ko, malamang. Eh sinasagot ba naman ako ng sarili ko? Malamang hindi. Malay ba kasi ng sarili ko kung paano mag-move on eh never ko pa namang nagawa iyon since time immemorial?

A realization hit me upon thinking of how to move on.

Kaya pala.

Kaya pala hindi ko matapos-tapos iyon.

‘Yung isinulat kong novel in the form of blog noong summer, hindi ko natapos. Noong isinulat ko iyon, I based most of the characters and situations sa mga kakilala ko at sa mga nangyari sa akin or sa kanila, but I wrote it in a fictitious manner. Kinulayan ko, dinagdagan ng imbento, binawasan ng details, at nilagyan ng maraming mabubulaklak na salita at pangyayari.

Each blog I wrote has an unfinished business. Walang exact ending. Walang closure. And even after the last blog, I didn’t even write the epilogue. I’ve written an impasse.

I dunno. Siguro kasi hindi ko alam kung paano tapusin iyon? Sabi nila, most writers find if hard to start a story. Kumbaga eh may maisip mang story, mahirap siyang simulan. It’s like staring in a piece of blank paper na alam mo kung anong gusto mong isulat, pero hindi mo alam kung paano at saan ka magsisimula. Madalas daw iyon ang pinagdadaanan ng ibang writers. True enough, ganoon din ako. Pero what I find the hardest is kung paano tatapusin ang kuwento.

Maybe that is why each of those blogs doesn’t have an epilogue.

Pero puwede ring wala talagang closure.

O puwede ring… iyon talaga ang closure.

I dunno. Ang gulo nga ng salitang closure eh. Sabi ng iba, all things must have an epilogue. Kapag walang epilogue, ibig sabihin eh hindi pa tapos ang kuwento. Pero sabi naman ng iba, sometimes, not having a closure is the epilogue.

So possible ngang each of those blogs has their own closure already.

Pero possible rin namang kaya hindi ko mabigyan ng closure ang bawat isang blog na iyon ay dahil it is the biggest challenge for me as a writer—ang gumawa ng closure or epilogue.

Blog GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon