Blog Thirty Three: Paper Cranes

2.6K 136 5
                                    

Blog Thirty Three: Paper Cranes

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

“Aren’t you supposed to be in class?” nagtatakang tanong ko kay Cirrus noong minsan ay nakita ko siyang nakatambay sa garden. Nakahiga siya sa bench at prenteng-prenteng nakapikit na para bang wala siyang klase.

He opened one of his eyes. “I guess?”

I rolled my eyes. “Bakit nakatambay ka lang dito?”

“Kasi wala ako doon.”

I gritted my teeth. Seriously. Kung gaano ako ka-attracted kay Cyber, ganoon naman ako ka-frustrated sa kambal niya. “Haha. You’re joking right? Medyo I forgot to laugh kasi,” I said sarcastically.

“I don’t joke.”

“Huh?”

“Hindi ako mahilig magbiro.”

“Huh. Eh ‘yung sinabi mo, ano ‘yun? Namimilosopo ka?”

“Hindi.”

“Eh what pala?”

“Sinasagot ko ‘yung tanong mo.”

Leche. He is beyond weird. “Ang gulo mong kausap.”

“Bakit kasi kinakausap mo ako kung naguguluhan kang makipag-usap sa akin?” nagtatakang tanong niya.

“Seriously? Hindi ko rin alam,” I said, rolling my eyes.

He shrugged and closed his eyes again. I scoffed. Minsan naiinis ako sa taong ito. He’s like a puzzle na wala akong balak i-solve dahil hindi ako interesadong i-solve, pero hindi ko alam kung timang ba ako or what dahil I keep on trying to solve him. Leche. Kung hindi lang ako broken-hearted kay Cyber, iisipin kong itong kambal niya ang sumpa ko dahil pinapasakit niya ang ulo ko.

Bakit kasi dito pa ako napadpad sa garden eh. Fine, fine. Special Art classes na naman at dito ako pinatapon ng bakla kong teacher na si Teacher Gui Gui. Hindi ko alam kung anong kinalaman ng Visual Arts sa lecheng garden na ito, pero pinatapon niya ako dito at dapat daw pagbalik ko, meron na akong inspiration para magpinta ng lecheng… wait. Ano nga ba ‘yung pinapa-paint niya? Hindi ko maalala! Basta maghanap daw ako ng inspiration at dapat daw may kinalaman sa garden. Period.

At malamang dahil medyo malapit na akong maging blacklisted sa libro ni Lolo, kailangan kong i-divert ang attention niya away from me by behaving like a matinong Cheng.

Leche. Matinong Cheng? Sa tanang buhay ko, wala pa akong nakilalang matinong Cheng sa pamilya namin.

So here I am—stuck na naman sa garden at sa dinaming puwede kong makita, itong weirdong lalaki pa na ito.

Speaking of weird, may naalala ako.

“Hey,” tawag ko kay Cirrus.

“Ano?” tanong niya, his eyes still closed.

“Uranus,” I blurted out. “How are things in Uranus?”

His eyes shot open. “Bakit mo tinatanong?”

“I’m just curious. I mean, you’re in it, right? And I think Cyber’s in it, too. Tapos sabi mo, pati sina Kuya. So how does it work? I mean, you know, fraternities?”

“Sikreto,” he said, smirking and closing his eyes again.

I wrinkled my nose. He really knows how to annoy me! “Bakit sikreto?”

He shrugged. “Bakit hindi?”

Okay. Inhale. Exhale. “Ayaw na kitang kausap,” I snapped and stomped off. Pero hindi ako umalis sa garden. I sat on the bench next to where he was dahil nga sa lecheng so-called inspiration na pinapahanap ni Teacher Gui Gui.

Blog GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon