Blog Nineteen: Curse

2.8K 130 8
                                    

Blog Nineteen: Curse

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

Ang lakas ng ulan! Noong isang araw lang eh tirik na tirik ang araw, ngayon naman ang lakas ng ulan sagad. Pabago-bago ang panahon, parang ‘yung topak lang ni Kuya Cielo. At mukhang wala talaga siyang balak na ibalik ang payong kong kulay rainbow. Nagdaan ang ilang subjects ko and even lunch break, pero hindi pa rin niya bet isauli ang payong ko. Like, seriously? Bet niya ang rainbow? Eh kung regaluhan ko na lang kaya siya ng rainbow bonnet na katulad ng binigay ni Cassiopeia kay Cadmus, bet niya rin kaya ‘yun? Leche.

“Miss Cheng, focus!” madramang sabi ng prof ko sa Literature.

Agad akong napatuwid ng upo kahit the truth is tulog na talaga my brain cells dahil nakakaantok ang boses niyang parang nagbabasa ng elegy instead of political speech.

“Yes, Sir!” masiglang sabi ko, pero deep inside eh nagluluksa na ako sa elegy, este political speech niya.

Dahil masyado nang abala ang prof ko sa madrama niyang political speech at nagkakaroon na siya ng sarili niyang earth, hindi na niya napansing umiidlip na ang ibang classmates ko. ‘Yung iba ay palihim na umiidlip at kunwari eh nagbabasa lang ng libro. ‘Yung iba naman eh lantaran talagang nakapatong pa ang ulo sa desk.

I have a window seat kaya hindi masyadong obvious kapag sumisilay ako sa bintana, unless bet na bet akong pansinin ng prof ko.

Malakas pa rin ang ulan, pero dahil maganda ang pagkakagawa ng bubong at building ng unibersidad, hindi pinapasok ng ulan ang classroom.

I stared at the rain and unti-unti na akong napapapikit. I was about to say hello to dreamland noong narinig kong may mga nagtilian nang mahina from the other side of the classroom.

“OMG!”

“It’s him!”

“He’s really guwapo sa malapitan!”

Siyempre nakarinig ng magic word ang mala-satellite kong ears, right? Guwapo raw. My head jerked up and saw Cyber Sandejas standing in front of the classroom.

OMG! Cyber is here! Is he making dalaw to me?

“Class, this is Cyber Sandejas,” pakilala ni Professor Lime. “He’s going to be directing the play this month.”

“Play? What play?” tanong ko sa katabi kong si Usagi.

Inirapan niya ako. “Halatang hindi ka nakikinig sa sinasabi ni Sir,” maarteng sabi niya.

“Wow, nagsalita ang naglalagay ng BB Cream habang nagsasalita si Sir,” sarcastic kong sabi sa kanya. “Bawal magmake-up ang lalake within the campus, FYI.”

“And so? I’m not a lalake. I’m a sirena and—”

“Anong play nga ‘yun, Usagi?” putol ko sa sinasabi niyang kaartehan.

Inirapan niya ulit ako. “‘Yung play! Naman! ‘Yung play para sa foundation day! ‘Yung batch natin ang naka-assign para play ng College of MassComm,” iritadong sabi niya.

“OMG! I so like plays!” masiglang sabi ko.

Somebody cleared his throat. Napalakas yata my voice kasi all eyes turned to look at me.

Tumaas ang kilay ni Professor Lime. “Since Miss Cheng here is so enthusiastic about the upcoming play, would everybody agree to make her be one of the leading characters in the play?”

Napatayo ako. “What!? No way, Sir! I mean, I’m a writer, not an actress!” madramang sabi ko. “How can I act when all I want to do is write?”

Blog GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon